^

Police Metro

Kayang labanan! - Jamby

Pang-masa

MANILA, Philippines - Bagama’t hindi pi­nalad sa nakalipas na senatorial elections si dating senador Jamby Madrigal ay umapela ito sa mamamayan na makiisa sa pamahalaan sa paglaban sa baha lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.

Anya, ang maliit lang na bagay tulad ng tamang pagtatapon ng basura ay malaking tulong dahil sa hindi na magbabara ang  estero at kanal.

Maging ang panga­ngalaga sa likas na yaman tulad ng hindi pagpuputol ng mga puno sa mga kabundukan ay isa nang malaking tulong sa gobyerno dahil wala nang magaganap na flashflood o pagguho ng lupa sa mga lalawigan.

Ipinaalala ni Madrigal sa naganap na baha sa Metro Manila kamakailan ay natuklasang nagbarang mga basura sa estero’t kanal.

Sinang-ayunan ni Madrigal ang obserbasyon ng Metro Manila Deve­lopment Authority at Department of Public Works and Highways na ang kalimitang pagbaha ay dahil sa walang pakundangan pagtatapon ng mga basura ng mamamayan.

ANYA

BAGAMA

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

IPINAALALA

JAMBY MADRIGAL

METRO MANILA

METRO MANILA DEVE

SINANG

  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with