^

PM Sports

Matthew susunod sa yapak ni Hidilyn

Russell Cadayona - Pang-masa
Matthew susunod sa yapak ni Hidilyn
Binibigyan ng pointers ni Olympic gold medalist Hidilyn Naranjo-Diaz ang kanyang pamangkin na si Matthew sa 2023 Batang Pinoy/Philippine National Games.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Ngayon pa lamang ay posibleng may susunod na sa mga yapak ni Olympic gold medalist Hidilyn Diaz.

Binuhat ni Matthew Diaz ng Rizal Province ang unang gintong medalya sa Batang Pinoy weightlifting event sa kanyang 41kg sa snatch, 55kg sa clean and jerk para sa total lift na 96kg sa boys’ 12-Under 37kg division kahapon sa Dacudao Court sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila.

“Nakakanerbiyos po kasi unang sali ko pa lang po,” sabi ng 12-anyos na si Diaz na gustong gayahin ang kanyang tiyahin at idolong si Hidilyn.

Sinasanay ng 32-anyos na si Hidilyn at ng kanyang husband/trainer na si Julius Naranjo ang 12-anyos na si Diaz sa sarili nilang weightlifting gym sa Jala-Jala, Rizal.

Kumuha rin ng ginto si Adrian Bucol ng Zamboanga City sa total lift na 103kg (45kg sa snatch at 58kg sa clean and jerk) sa boys’ 12-Under 32kg category.

Hinirang naman si national swimmer Miguel Barreto ng Bulacan bilang unang double gold meda­list matapos mamuno sa men’s 200-meter indivi-dual medley at 100-meter freestyle.

Naglista si Barreto ng personal best 2:09.94 sa 200-meter individual medley at 52.07 segundo sa 100-meter freestyle.

Sa cycling sa Tagaytay City, sinikwat ni Aristen A­ricela Ardice Villate Dormitorio ng Quezon City ang unang gold sa pinagsabay na Batang Pinoy at Philippine National Games.

Ipinadyak ng 12-an­yos na si Dormitorio ang tiyempong 45:48.4 para pamunuan ang girls’ 13 and under criterium event kasunod sina Yvaine Osias (46:00.8) at Ysabel Nicole Jamero (46:28.3) ng Iloilo sa Tagaytay City Centrum.

Inangkin ni Jhaykarl Ophir Macapagal Nuaez ng Quezon City ang gold sa boys’ class matapos unahan sina Kyle Jabat Florez ng General Santos City at Marc Jerenz Atienza ng Calapan.

Sa Philsports Oval sa Pasig City, itinakbo ni Lyka Labrica Catubig ng Davao ang ginto sa PNG athletics sa kanyang pa­nalo sa women’s 3,000m walk sa bilis na 16:44:55.

vuukle comment

HIDILYN DIAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with