_pang-masa
^

Bakbakang Talisay-Mandaue

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - May 7, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magpapambuno ang MJAS Zenith Talisay Aquastars at KCS Mandaue Computer Specialists sa umaatikabong Game 1 ng inaugural Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup finals ngayon sa Alcantara Civic Center sa Cebu.

Sisiklab ang aksyon sa alas-7 ng gabi at ang magwawagi ay makakauna sa best-of-three championship series ng Visayas leg ng VisMin Super Cup na umarangkada noong nakaraang buwan bilang pinakabagong liga sa bansa.

Paborito ang Aquastars na manalo  lalo’t nakasandal ito sa mahabang pahinga matapos walisin ang eliminasyon at makasikwat ang awtomatikong puwesto sa finals.

Wala pang galos ang Talisay sa sampung salang ng two-round elims kabilang na ang 77-57 at 81-73 panalo sa Mandaue.

Aaasa ang Aquastars sa mga beteranong sina Paolo Hubalde, Patrick Cabahug, Val Acuña at Jhaymo Eguilas gayundin sa mga pambatong bagito na sina Jaymar Gimpayan at Darrell Menina upang ipagpatuloy ang dominasyon sa Computer Specialists.

Bagama’t saglit lang ang pahinga, hindi naman susuko nang basta-basta ang Mandaue matapos pauwiin ang Lapu-Lapu sa semifinals, 74-64.

Matamis na higanti iyon ng Mandaue na armado ng twice-to-beat advantage bilang sNo. 2 team matapos ang malasap ang 52-67 kabiguan sa Game 1.

VISMIN SUPER CUP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with