^

Comm. Marcial pararangalan ng PBAPC

Chris Co (Pang-masa) - March 5, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi maaaring ‘di bibigyan ng para-ngal si Commissioner Willie Marcial na naging utak sa pagtatanghal ng matagum-pay na PBA Philippine Cup bubble ng PBA Press Corps sa virtual Awards Night sa Linggo sa TV5 Media Center.

Igagawad ng mga sportswriters na kumukober ng PBA ang Mr. Executive award kay Marcial na siyang nanguna sa 500-plus strong league delegation sa Clark, Pampanga para tapusin ang naudlot na 45th season.

Nagkaroon man ng aberya ay nairaos ang bubble sa tulong ng mahusay at determinadong pamamalakad ni Marcial na nagawang malampasan ang lahat ng pagsubog na dumating sa Clark bubble.

Isa lang si Marcial sa mga major awardees sa isang oras na event na handog ng Cignal TV at ipapalabas sa March 8 sa PBA Rush.

Bukod kay Marcial, igagawad din ang Danny Floro Executive of the Year award kay PBA Chairman Ricky Vargas. Igagawad din ang Outstanding Coach of the Bubble.

Igagawad din ang President’s Award sa 12 koponan ng PBA na nagsakripisyo, matuloy lang ang naudlot na Philippine Cup gayundin ang 2019 winner na si Vergel Meneses, ang kasalukuyang Bulakan, Bulacan mayor at isa sa 25 Greatest Players in league history.

Ang iba pang awardees para sa nakanselang PBAPC awards noong nakaraang taon ay igagawad din.

PBAPC
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with