^

Justin Chua natali sa Phoenix

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - January 23, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi man pinalad na maipanalo ang Most Improved Player, wagi pa rin si Justin Chua ng Phoenix matapos maging pinakabagong manlalaro na nakakuha ng tumataginting na contract extension papalapit sa 46th Season sa Abril.

Naselyuhan ng versatile big man ngayong linggo ang bagong three-year deal sa Fuel Masters para muling maging bahagi ng solidong core kasama sina Matthew Wright, Calvin Abueva at Jason Perkins.

Kagagaling lang ni Chua sa dikit na kabiguan kontra kay Prince Caperal ng Ginebra sa Most Improve Player award matapos ang magilas na performance sa 45th PBA Season  sa Clark bubble sa Pampanga.

Nakasiguro rin ng bagong kontrata sina Will McAloney, Bong Galanza, Paul Varilla, Kris Porter at Kenneth Ighalo sa NLEX Road Warriors matapos ang unang pagpirma nina Raoul Soyud, Michael Miranda at JR Quiñahan.

 

JUSTIN CHUA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with