Antetokounmpo triple-double uli
(Pang-masa) - November 23, 2019 - 12:00am

MILWAUKEE— Itinala ni Giannis Antetokounmpo ang kanyang ika­lawang triple-double sa season at pinadapa ng Bucks si Carmelo Anthony at ang Portland Trail Bla­zers, 137-129.

Kumolekta si Anteto­kounmpo ng 24 points, 19 rebounds at career-high na 15 assists para aka­yin ang Milwaukee sa kanilang pang-anim na su­nod na pananalasa.

Si Antetokounmpo, nag­tala rin ng triple-double sa season opener, ay may­roong 16 career triple-doubles para sa 14-2 record ng Milwaukee sa na­sabing mga laro.

Nagdagdag si guard Eric Bledsoe ng 30 points at 6 assists sa highest-sco­ring game ng Bucks nga­yong season.

Matapos namang tu­mi­pa ng 10 points mula sa 4-of-14 shooting sa kanyang season debut laban sa New Orleans Pelicans kamakalawa ay nagtala si Anthony ng 18 points para sa Blazers.

Nagdagdag ang 10-time All-Star ng 7-rebounds para sa Portland na naglaro nang wala sina injured Hassan Whiteside (hip), Damian Lillard (back), Zach Collins (shoulder) at Jusuf Nurkic (leg).

Humataw si CJ McCollum ng game-high na 37 points, habang huma­kot si Skal Labissiere ng 22 markers, 12 rebounds at 5 blocks para sa Bla­zers.

Sa Phoenix, humugot si Brandon Ingram ng 15 sa kanyang 28 points sa fourth quarter at tumipa si JJ Redick ng 26 mar­kers para tulungan ang Pe­licans sa 124-121 pagdaig sa Suns.

Nagsalansan si Jrue Ho­liday ng 23 points at 9 assists para sa ikatlong sunod na ratsada ng New Orleans, nakahugot kay E’Twaun Moore ng season-high  na 19 points.

Ang three-point play ni Ingram ang nagbigay sa Pelicans ng 122-115 abante sa huling 1:25 mi­nuto ng fourth period.

Naimintis naman ni Ho­liday ang dalawa niyang free throws sa natitirang 0.5 segundo na nagbigay ng tsansa sa Suns na makatabla matapos ang timeout.

Ngunit hindi nila na­ga­wang makatira sa pagtunog ng final buzzer.

Pinamunuan ni Kelly Oubre Jr. ang Suns, nalasap ang ikatlong dikit na ka­biguan, mula sa kanyang 25 points, habang may 19 mar­kers si Devin Booker.

Naglaro ang Phoenix na wala sina center Aron Baynes at Ricky Rubio.

ANTETOKOUNMPO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with