^
Tropang Texters sumosyo sa liderato
Nag-unahan sa bola sina imports Joel Wright ng Rain or Shine at KJ McDaniels ng TNT Katropa.
PM photo ni Jun Mendoza

Tropang Texters sumosyo sa liderato

Russell Cadayona (Pang-masa) - September 29, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Limang players ang umiskor ng double-fi­gures para sa ikalawang su­nod na pananalasa ng TNT Katropa.

Iginiya ni import KJ McDaniels ang 103-91 pa­nalo ng Tropang Texters laban sa Rain or Shine Elasto Pain­ters mula sa kan­yang ipinosteng 37 points, 13 re­bounds, 5 assists at 5 blocks sa 2019 PBA Governor’s Cup kahapon sa Smart Araneta Co­liseum.

Nagmula ang TNT Ka­tropa sa 135-107 pag­du­rog sa Blackwater, habang nalasap ng Rain or Shine ang kanilang ikalawang kabiguan sa tatlong laban.

“We just have to stay together as a team and follow our gameplan,” ani McDaniels na na­­ging teammate ni Terrence Jones para sa Houston Rockets sa NBA. 

Nagdagdag si Troy Ro­sario ng 16 points ka­sunod ang 15 at tig-12 markers nina Jayson Cas­tro, RR Pogoy at Don Trollano, ayon sa pagkakasunod, para sa Tropang Texters ni coach Bong Ra­vena.

Binanderahan naman ni reinforcement Joel Wright ang Elasto Pain­ters mula sa kanyang 20 points, 8 boards, 3 assists.

Hindi na siya ipinasok ni coach Caloy Garcia matapos ang Flagrant Foul Penalty 1 kay Rosario sa huling 3:50 minuto ng fourth quarter kung sa­an sila nakalapit sa 86-91.

Ang magkasunod na ti­rada ni McDaniels at three-point shot ni Pogoy ang tuluyan nang naglayo sa TNT Katropa sa 103-88 sa nalalabing 56.4 segundo ng laro.

Nauna nang nakaba­ngon ang Rain or Shine, nakahugot kay rookie Javee Mocon ng 19 points, sa 86-90 mula sa basket ni Wright sa 4:39 minuto ng final canto mula sa 12-point deficit, 59-71, sa 3:23 minuto ng third pe­riod.

 

TROPANG TEXTERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with