^

PM Sports

Chooks-to-Go NCAA Player of the Week

Francisco Cagape - Pang-masa
Chooks-to-Go NCAA Player of the Week

MANILA, Philippines — Naiwasan ng Perpetual Help Altas na mahulog sa ilalim ng standing matapos makopo ang ikalawang panalo at umangat sa sosyohan sa pang-anim na puwesto kasama ang San Sebastian Stags sa parehong 2-3 win-loss kartada sa Season 95 ng NCAA basketball tournament.

Malaki ang tulong ni Edgar Charcos para sa Altas nang burahin niya ang 73-73 tabla sa huling 3.4 segundos upang magwagi ang Las Piñas-based team kontra sa Arellano Chiefs, 75-73, noong Martes sa The Arena sa San Juan City.

Dahil sa panalo, naputol ng tropa ni coach Frankie Lim ang three-game losing skid kaya napili si Charcos ng Chooks-to-Go Collegiate Press Corps bilang NCAA Player of the Week.

Ang isa pang panalo ng Altas ay sa Mapua Cardinals, 80-78 noong Hulyo 9 kung saan tumapos din si Charcos ng 16 puntos, walong rebounds, limang assists at dalawang steals.

“Sa kanya talaga ‘yun,” pahayag ni Perpetual Help coach Lim.

Bukod sa kanyang winning basket, umani pa si Charcos ng 15 puntos kabilang na ang anim sa hu-ling yugto na may kasamang limang assists at dalawang rebounds para maungusan sina Larry Muyang ng Letran, Jomboy Pasturan ng St. Benilde at Chester Jungco ng Jose Rizal para sa lingguhang parangal.

“I still think, this team needs to be smarter on playing defense. We just have to stop people if we want to win games,” dagdag ni Lim na hangad na lampasan ang kanilang Final Four finish sa nakaraang season.

 

vuukle comment

NCAA PLAYER OF THE WEEK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with