Kirilenko lilipat sa 76ers
MANILA, Philippines - Nakipagkasundo ang Brooklyn Nets upang ipasa si forward Andrei Kirilenko sa Philadelphia 76ers na magbibigay sa prangkisa ng kaluwagan sa halos $11 million salary cap at luxury tax, ayon sa mga source ng Yahoo Sports.
Ibibigay ng 76ers si forward Brandon Davies sa Nets at makukuha nila ang 2020 second-round pick sa deal bukod pa sa puwedeng makipagpalitan ng second-round picks sa Brooklyn sa 2018 draft. Maaaring isama ng Nets si guard Jorge Gutierrez sa deal, sabi pa ng source.
Inaasahang mapa-finalize ang trade sa Huwebes.
Si Kirilenko ay nasa final year ng kanyang $3.3 million contract posibleng i-waive sa Philadelphia kapag naiselyo ang deal, ayon pa sa impormante.
- Latest