^

Tatay proud sa buntis na gf

IDAING MO KAY VANEZZA (Pang-masa) - March 8, 2020 - 12:00am

Dear Vanezza,

Sobrang inis ko sa tatay ko na feeling proud na nag-send ng picture na buntis ang GF niya. Kahit matagal na silang hiwalay ng nanay ko. Naiinis lang ako na lumaki nga akong wala siya sa tabi namin dahil sa pagiging addict at pag-iinom niya. Tapos ngayon nagpapakabayani siyang maging tatay sa iba. Gusto pa niya ay makita namin ng kapatid ko ang buntis niyang GF. Ayaw nga namin ni kuya. Ano ba ang dapat namin gawin? - Anna

Dear Anna,

Hindi naman ninyo kailangang magpapilit dahil may sarili na kayong pag-iisip. Lalo na kung labag sa inyong kalooban na tiyak ay hindi rin magi­ging maganda ang iyong pagkikita. Huwag mo na lang isipin ang nasabing picture. Bigyan mo rin ng chance si tatay na magbago. Maaaring gusto lamang niyang bumawi ngayon bilang tatay, hindi man sa inyong magkapatid, kundi sa magiging anak niya ngayon.

Sumasainyo,

Vanezza

 

BUNTIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with