Mabilis na pagyaman ng pinoy
PRODUKTIBO (Pang-masa) - February 24, 2020 - 12:00am

Ang paraan upang mabilis yumaman ay gumawa ng mas maraming pera kaysa mag-ipon. Nagpapatagal para yumaman ay mag-save kung konti lang ang kinikita. Ang tendency ay mangutang din dahil kapos nga ang pera.

Mahalaga ang mag-ipon ng pera, pero ang pagpokus kung paano palaguin ang kaperahan ay mas nagi­ging daan para yumaman. Madali ang mag-ipon kung mas maraming pera.

Napansin ninyo na mas mabilis umasenso yung mga negosyante o indibidwal na nangahas magbukas ng sariling business o pagkakakitaan. Kung palalakihin ang kinikita ay mas ma­laki rin ang perang matitira, pagkatapos na mapag-ipon. Ano nga ba ang maiipon kung wala ngang natitira sa suweldo mo. Ang tao ay mas nakapokus kung paano magtipid, pero hindi nakikita ang oportunidad na ibuhos ang energy kung paano lalong kumita. Alam ng mga milyonaro kung gaano kahalaga ang mag-ipon, pero mas nakapokus ang mga mayayaman kung paano pa palalaguin ang kanyang pera. Palakihin ang kinikita na magiging sapat upang makapag-ipon sa hinaharap.

Magsimulang mag-isip kung paano kikita ayon sa iyong hilig at skills. Pag-aralan ang takbo ng negosyo at magpokus kung paano ito palalaguin. Gumawa muna nang marami at malaking income upang mas madami rin ang maitatabing ipon.

IPON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with