Sinigang sa Miso
BURP - Koko (Pang-masa) - January 30, 2020 - 12:00am

Ang sinigang sa miso ay isa sa paboritong sinigang ng marami. Bukod kasi sa kakaiba at maasim na lasa nito, perfect na comfort food din ito ng mga stress sa opisina/eskuwelahan maging sa may sakit.

Iba’t ibang isda ang maaaring isigang sa miso, pero ang aming paborito ay ang ulo ng salmon.

Malasa at malinamnam kasi ito, at bagay na bagay sa kanin.

Narito ang recipe na sinigang na ulo ng salmon sa miso na tiyak magiging paborito ninyo!

Ingredients: 

Isang kutsarang ­ba­­­wang

2 Sibuyas

3 Kamatis

Tanglad

Maraming luya

Miso

Isang kilong ulo ng salmon

Mustasa

Siling haba

Limang tasa ng tubig

Sampaloc broth/powder

3 Kutsarang patis

Paraan ng pagluluto:

Igisa sa bawang, sibu­yas, kamatis at mara­ming luya ang miso. Sunod na ilagay ang tubig at pakuluan ng hanggang 10 minuto. 

Kapag kumulo na, puwede nang timplahan ng pampaasim at patis. Ilagay ang ulo ng salmon at pakuluan ng hanggang 10 minuto ulit. Ingatan ang paghahalo para hindi ito madurog.

‘Pag kumulo na ay pu­wede nang ilagay ang sili at mustasa.

Burp!

SINIGANG SA MISO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with