^

Para Malibang

Zombie Family (223)

Gilda Olividado - Pang-masa

NAG-WALKOUT ang teenager na babaing anak. “Ayoko dito! Kung wala naman palang makakain!”

Masama na ang tingin nito sa body part na teynga. “Flesh! Laman! Masarap ka rin siguro!”

At sinunggaban.

Kinagat.

Umawat ang teenager na lalaki. “Huwag! Si Mommy ‘yan!”

“Pero marami naman siyang teynga dito! Hindi siya mauubusan!”

“Oo nga. Pero hindi ba, hindi naman natin puwedeng kainin ang Mommy natin?”

“Kahit nagugutom na tayo?”

“Mga anak, dapat maisip ninyo na dito sa isla, dumami nga ang body parts ng inyong ina pero nagbago sila.”

“Anong nagbago?”

“Nawala ang cravings nila sa laman ng tao. Nag-transform sila. Naging mabuti. Nakakapagtaka man pero ipinagpapasalamat ko. Dahil mula sa pagiging killer zombie ang inyong ina ay dumami nga pero hindi na mapanganib.”

“Magiging tulad din niya tayo, Kuya!”

“Dadami rin kami? Magkakapira-piraso rin kami?”

“Hindi ko alam. Pero kung minsan talaga, ang sagot sa problema ay kumplikado. Nawala ang Mommy ninyong killer, kumakain ng tao. Ang mga kapalit ay mga body parts na bumabait. Hindi umaalis sa isla. Naku-contain sila dito.”

“At masaya kayo dahil ligtas na ang mga tao? Mas importante ba talaga sila kaysa pagkain naming?”

“Hindi nagugutom sa laman ng tao ang mga body parts ni Marga. Mga buhangin dito sa isla ang kinakain nila. Na bumabalik din sa ganoong anyo. Walang nasasaktan. Walang namamatay.”

“Ayaw naming maging mga body parts, Dad!”

“Mas gusto naming na ganito lang kami! At nabubusog! Hindi kami dapat nagpunta sa isla!”

“Bumalik na lang tayo sa siyudad, Kuya! Doon, walang problema ang pagkain!”

At tatakbo na sana sa dagat ang dalawang teen­agers pero hinarang sila ng mga body parts.

Itutuloy

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with