Dragon fruit ‘di mabilang ang benepisyo
KIKAY KIT - DC (Pang-masa) - July 24, 2019 - 12:00am

Next big beauty thing kung tawagin ang dragon fruit ng mga beauty guru. Marami na ngayon ang nagtatanim ng nasabing prutas kaya naman mas visible na ito sa mga pamilihan.

Mataas ang vitamin C nito na nakatutulong upang mabawasan ang redness at inflammation sa pamamagitan ng pagbu-boost ng blood flow ng ating kutis. Amazing source rin ito ng vitamin B6 kaya naman nakatutulong ang pagkain nito upang ma-regulate ang ating hormone levels kaya liliit ang tiyansa sa pagkakaroon ng breakout.

Bukod pa sa gagan­da, ang dragon fruit ay may­­roong antioxidants at natural form of collage na makabubuti sa pagpa­pabata ng kutis.

Maaaring kainin nang direkta ang laman ng dra­gon fruit o kaya naman ay durugin ang laman nito at saka ilagay sa mukha, iba­bad ng 15 minuto, at saka banlawan ng maligamgam na tubig.

Isa pang benefit ng pagkain nito ay ang mataas na vitamin E at C content nito. Nakakaprotekta ito sa damage ng UV rays. Mayroon din itong proteins at skin-repairing enxymes.

DRAGON FRUIT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with