Bagong Uri ng Tsokolate, Medyo Maasim
Grabe na ‘to!
Kung dati ay may tatlong klase lamang ng tsokolate ang available – dark, milk, and white, ngayon ay may isa nang karagdagang kulay sa mga nabanggit, ito ang ruby pink chocolate.
Ang world’s largest cocoa processor na Barry Callebaut at based sa Zurich, Switzerland ay 13 taon nang sumusubok na makapag-produce naturally ng pink chocolate mula sa ruby cocoa beans.
Isa itong uri ng cocoa na nabubuhay sa Ecuador, Brazil, at Ivory Coast. Ang nasabing Swiss company ang pinakaunang nakapag-convert ng pink chocolate mula sa isang sophisticated process. Unang inilabas sa Shanghai ngayong taon, ang ruby chocolate ay sinasabing matamis na medyo may asim, na lasang natural berry na bagay sa kulay nito.
Nasubukan na sa merkado ang ruby pink chocolate at maganda umano ang mga naging feedback nito. Pero kailangan pang maghintay ng 6-18 buwan bago tuluyang makitang ibinebenta ang bagong klase ng tsokolate.
- Latest
















