^

Aswang Territory (154)

ASWANG TERRITORY - Gilda Olividado (Pang-masa) - June 6, 2016 - 12:00am

HINDI nakayang pigilan ni Draz ang pagsusuka dahil sa pandidiri sa pagtatransform ng mga masasamang lahi.

 At narinig nga nina Simeon iyon.

“Ano ‘yon? Parang tao ‘yon, a!” Ang anyong aswang nang si Simeon ay agad naalerto.

“Mahal na Pinuno, tao nga ‘yon!”

Si Draz ay agad tinakpan ang bibig para hindi na makalikha ng ingay. Pero nagrerebulosyon pa rin ang kanyang tiyan.

 Magbu-vomit na naman. Nag-ingay na naman.

Itinuro agad ni Simeon ang direksiyon ng ingay. Dahil nga sobrang sensitibo na ang kanyang pandinig, agad natukoy.

“Pero, mahal na Pinuno ... wala naman akong nakikitang tao!”

“Oo nga. Bakante naman. Walang masisiksikan.”

“Meron! Iyang punong ‘yan, tingnan ninyo sa likuran!”

Sa isang kisapmata, nasa likuran na ng puno ang ilang masasamang lahi.

“Wala, mahal na Pinuno. Mga maiikling damo lang ang naririto. Walang mapagtataguan.”

Pero ang totoo, nasa harapan nila si Draz. Na kinakabahan. Dahil kung lalapit pa sa punong-kahoy ang mga masasamang lahi, mararamdaman na siya ng mga ito. Maari pa ngang mahawakan o mabunggo nang hindi sinasadya.

Nakalapit na rin si Simeon. “Imposibleng magkamali ang pandinig natin na napakatalas na ngayon.”

Malapit na malapit kay Draz ang mga masasamang lahi. Ang kapangitan, ang nakakakilabot na mga anyo ay mas lalo pang nagiging klaro, mas lalong nakakadiri!

Bumaligtad na naman ang sikmura ni Draz.

At bago sumuka nang marami, naduwal muna nang napakalakas. Sa mismong malapit na harapan nina Simeon.

Nakita pa nina Simeon ang suka na bumagsak sa lupa!

“May taong nagsusuka na hindi natin nakikita! Nandidito lang siya!” Sigaw ni Simeon, nakatingin na ngayon sa kinatatayuan ng invisible na si Draz.

Napalakas ang pag-react ni Draz. “Holy shit!”

“Dumugin ang kaaway! Nandidiyan lang siya!” Sa harapan na walang katao-tao nakaturo si Simeon.

Sabay-sabay na kumuyog ang mga masasamang lahi, nakahanda ang mga pangil at mga mahahaba at balibalikong kuko. Itutuloy

HIMIG HANDOG P-POP LOVE SONGS HIV/AIDS AWARENESS MICHAEL PANGILINAN MISS UNIVERSE PIA WURTZBACH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with