Isip Laban sa Puso?
Dear Vanezza,
I’m Krizzy, 38, hiwalay po ako sa aking asawa at may tatlong anak. Nagkahiwalay kami ng aking mister dahil marami kaming hindi pinagkakasunduan. Nakilala ko sa pabrikang aking pinapasukan si Victor, 48, pamilyado rin siya. Sinasabi ng isip ko na ayoko makipagrelasyon sa kanya dahil sa aming estado, ngunit ang emosyon at puso ko ay patuloy naman na gustong makipagrelasyon sa taong ito. Tulungan n’yo po ako.
Dear Krizzy,
Mahirap ang iyong kalagayan dahil parehas kayong may pananagutan na. Madaling madaya ang puso ng emosyon, ngunit kung ang paiiralin mo ay ang tamang takbo ng iyong pag-iisip, tiyak na hindi ka nito bibiguin sa pagkakaroon ng tamang desisyon. Magpakatatag ka na gawin kung ano ang tama.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest