Bye Bye Butusing Tiyan
ABH (Pang-masa) - February 2, 2016 - 9:00am

Ano ang dapat gawin upang maging flat ang  butusing tiyan (belly bloat) ?

1—Bawasan ang pagkain ng maaalat na pagkain. Kapag sumobra ang asin sa iyong katawan, ang tubig ay naiipon sa loob ng katawan. Ang resulta, lumolobo ang tiyan…at ‘yun, nagiging butusin ka.

2—Uminom ng tubig. Mas madalas ang pag-inom ng tubig, mas regular ang pag-ihi kaya hindi naiipon sa loob ng katawan. Kapag kakaunti ang tubig, nakatigil lang ito sa tiyan. Kailangan ang panibagong tubig para may magtulak palabas ng katawan.

3—Iwasan ang pagnguya ng chewing gum. Ang tendency mo ay lumunok nang lumunok ng hangin na nagpapalobo sa tiyan.

4—Itigil na ang pag-inom ng soda/softdrink. Kapag umiinom ka ng soda, dalawang bagay ang nilulunok mo: liquid at gas bubbles. Ang gas bubbles na ito ay nata-trap sa iyong tiyan kaya lumolobo.

5—Nguyaing mabuti ang kinakain at iwasan ang mabilisang pagkain. Kapag mabilis kumain, marami kang nalulunok na hangin. At saka nabubusog kaagad kapag nginunguyang mabuti ang pagkain. Dahil kaunti lang ang nakain at natunaw kaagad sa tiyan, hindi lolobo ang tiyan.

 

ACIRC ANG ANO BAWASAN DAHIL ITIGIL IWASAN KAILANGAN KAPAG STRONG TIYAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with