Itinatanggi ang anak
IDAING MO KAY VANEZZA (Pang-masa) - February 1, 2016 - 9:00am

Dear Vanezza,

Ako po si Ms. M, may isang anak. Nabuntis po ako ng amo ko sa work at noon gusto niyang ipalaglag ang bata pero hindi ako pumayag. Ngayon malaki na ‘yung bata. Gusto niyang hiramin pero natatakot ako baka hindi na maibalik ang anak ko. Sa sustento pa lang hirap ay ayaw niyang magbigay. Dahil nung una ay  itinatanggi niyang hindi raw niya anak ang bata. Tapos ngayon gusto niyang hiramin. Eh wala rin siyang sariling desisyon sa buhay. Kahit may sarili na siyang pamilya ngayon ay balita kong nambabae pa rin siya. Payuhan n’yo ako.

Dear Ms. M,

Sumangguni ka sa isang abogado upang maipaliwanag sa’yo ang mga batas na sumasakop sa iyong problema gaya ng sustento at kustodiya ng bata. Pero kung may matatag ka namang trabaho at sa palagay mo ay kaya mong buhayin ang iyong anak, mas mabuti ito para hindi ka na umaasa pa sa kanya. Maraming single mother ang nagsisikap na mag-isang itaguyod ang kanilang anak ng hindi dumidepende sa tulong ng ex o ng iba. Pero nariyan naman ang iyong pamilya na makakaagapay mo sa pagpapalaki sa bata. Ang iyong anak na lang muna ang iyong pagtuunan ng pansin. Sikapin mong ma­bigyan siya ng magandang bukas. Gawin mo siyang inspirasyon upang makaya ang mga pagsubok na dumarating sa iyong buhay.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

ACIRC ANAK ANG DAHIL DEAR VANEZZA GAWIN IYONG KAHIT MARAMING MS. M PERO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with