^

Para Malibang

Aswang Territory 2

Pang-masa

KAPIT-KAMAY nang pumasok sina Avia at Armani sa madilim na gubat. Takot si Armani. Pero wala siyang balak mag-back out.

Paninindigan niya ito. Ang pag-ibig kay Avia.

May kumakaluskos sa gawing kanan nila. Napatingin kaagad dito si Armani.

Akala niya aswang. Pero aso lang pala.

Nakahinga nang maluwag si Armani. “Diyos ko po, salamat. Isa lang palang mabait na aso. Ni hindi kami tinahulan.”

“Ssshhh, Armani ... tingnan mo ...” Nakaturo si Avia sa aso na nakatingin lang sa kanila, tahimik lang ito.

Pagka-amo-among tingnan.

Pero ngayon ay makikita na ni Armani ang kaibahan ng asong ito. Ngumingisi ito. Dahan-dahan. Hanggang pagkalapad-lapad na ng bibig.

“B-bakit siya ganyan? Ang weird naman ng asong ito, Avia.”

“Kaya nga gusto kong masdan mo siyang mabuti. Kailangang marunong kang mag-expect ng mga hindi inaasahan sa territory na ‘to. Just keep on looking at that dog, Armani ...”

Nakatingin pa nga rin si Armani sa aso. Maya-maya, ang malapad na ngisi nito ay nagiging nakakatakot.

May dalawang pangil na mabilis na humaba.

Napaurong si Armani. “Diyos ko, bampira rin pala ang asong ‘yan?”

“Hindi lamang tao ang bampira dito, Armani. Kahit mga hayop ay nagi­ging kalahi namin. Kung natatakot ka na, maari ka pang umatras. Hindi mo naman kailangang gawin ito.” Nakakaunawa ang tingin ni Avia sa nobyo.

Natigilan si Armani. Napapangibabawan siya ngayon ng takot. Bampirang aso pa nga lamang ang kanyang nakita.

Pero nang tumitig siya kay Avia, agad nangibabaw na ang pag-ibig.

Mahal na mahal kasi niya si Avia. Matagal naman bago nagtapat sa kanya si Avia tungkol sa pagkatao nito.

Kung hindi pa niya nahuli si Avia na nagta-transform into a vampire, hindi niya malalaman kung ano ito.

Pareho na silang graduating sa kursong education nang ma-in love siya sa mailap na si Avia. Pero niligawan niya ito, tiniyaga, kahit gaano kahirap.

Nararamdaman naman niyang may pagtingin sa kanya si Avia pero hindi siya makalapit para manligaw. Kaydulas ni Avia. Kapag nasa inuupahang apartment ito at gusto niyang umakyat ng ligaw, kahit alam niyang nasa loob lang ito ay hindi naman sumasagot sa kanyang pagtao po at pagkatok.                                                             ITUTULOY

 

 

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARMANI

AVIA

BAMPIRANG

DAHAN

DIYOS

HINDI

ITO

NBSP

PERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with