^

Para Malibang

Umiibig ako sa iba

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Hiwalay ako sa asawa at may isang anak. Mayroon akong bf sa ngayon, pero nararamdaman kong umiibig ako sa iba. May posisyon siya sa kumpanya na pinagtatrabahuan niya, habang ako’y may posisyon din sa aming opisina. Madalas kaming magkita sa mga okasyon dahil may koneksiyon ang trabaho namin. Pero may asawa na siya. Noong una’y hindi ko siya pinapansin pero lately, pinahanga ako ng kanyang pagiging maginoo at kababaang-loob. Noon ko lang din siya napagmasdang mabuti na guwapo pala siya. Sa tingin ko’y alam niyang may gusto ako sa kanya. Pero tama bang ibigin ko s’ya? - Merly

Dear Merly,

Ang pag-ibig ay isang emosyon na hindi natin kontrolado at kusang umuusbong sa puso. Pero may mga pagkakataong ito’y dapat pigilan lalo pa’t hindi tama. Hindi masamang umibig. Pero kapag ang taong iniibig mo’y may pananagutan na, lalo’t na at legally married, ito’y mali. Pwede kang pumasok sa isang relasyon pero may mga consequences yan na magbibigay lang sa’yo ng sakit ng ulo at problema at sa taong karelasyon mo. Para kang nagnakaw ng hindi sa’yo. Ilagay mo ang sarili mo sa misis na aagawan mo ng asawa, tiyak na masasaktan ka. Kaya kung maaari, huwag mo nang iparating sa crush mo ang nararamdaman mo at baka patulan ka lang niya. D’yan na mag-uumpisa ang gulo.

Sumasaiyo,

Vanezza

ACIRC

ANG

DEAR MERLY

DEAR VANEZZA

HIWALAY

ILAGAY

KAYA

MADALAS

MAYROON

PERO

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with