Inililihim ang pagka-bading
Dear Vanezza,
Tawagin mo na lang akong Karlo, 23 years old. Lalaki ako pero bakit ang damdamin ko’y babae. Gustuhin ko mang umibig sa babae ay tumatanggi ang puso ko. Sinikap kong ma-overcome ito. Ni minsan ay hindi ako nakipagrelasyon sa kapwa ko lalaki dahil alam kong masama ito. Noong maliit ako’y nakita na ng mga parents ko ang tendency kong maging bakla. Pero iminulat nila ako sa Salita ng Diyos. Choir member pa ako sa aming church. Hanggang sa nagbinata ako na walang problema. Pinilit kong maging lalaki. Nanligaw ako ng babae pero katagalan ay ako na rin ang umaayaw dahil hindi ko talaga ma-take. Gusto kong magpakatatag. Mas mahalaga sa akin ang pagsunod sa Diyos kaysa sa aking nararamdaman. Ano ang dapat kong gawin para mapaglabanan ito?
Dear Karlo,
Lagi kang magbulay sa Salita ng Diyos sapagkat iyan lamang ang source ng ating kalakasan. Manalangin ka at kilalanin ang iyong kahinaan at palalakasin ka ng Panginoon. Nagagalak ako sa sinabi mong mas nanainisin mong sundin ang kalooban Niya kaysa iyong damdamin. God hoÂnors your declaration of faith. Keep it up and God bless you.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest