^

Para Malibang

Mga dapat tandaan kapag may diarrhea

HEALTH CORNER - JC - Pang-masa

Last Part

Ang inyong doctor ang makakapagbigay ng katiyakan kung ano ang dahilan ng inyong diarrhea. Kung ito ba ay kaugnay ng bacteria o viruses, iniinom na antibiotic o iba pang medikasyon, intestinal diseases o iritasyon sa pagkain. Mahalagang malaman ang tungkol dito para magkaroon ng tugmang gamutan sa lalong madaling panahon.  Sakaling ang sanhi ng inyong diarrhea ay ang pagiging sensitibo sa pagkain, pinakamabuti na iwasan ito. Karaniwan sa mga tinutukoy na nakakapagdulot ng iritasyon sa bituka na nauugnay sa diarrhea ay ang dairy products, high-fiber fruits and vegetables, gum, candy at ang masesebo o maaanghang na mga pagkain.  Ang mga inirerekomendang pagkain naman para malabanan ang diarrhea ay ang saging (latundan), nilutong carrots at skinless baked chicken.  May mga kaso naman na ang pagiging lactose intolerance o ang mahinang panunaw sa lactose (sugar sa gatas) ay nagdudulot o nagpapalala sa diarrhea. Para maiwasan ito, inirerekomenda ang pagkain ng yogurt, na may mababang lactose kumpara sa gatas at madaling tunawin. Probiotics din ang yogurt na maaaring magdulot ng mabuting pakiramdam. Avai­lable rin ang probiotic sa capsules, tablets at powders. Subukan din ang tried and tested na maituturin para sa maraming henerasyon laban sa diarrhea, ang chamomile, na maaaring tsaa, liquid extract, capsules o tablets. Pero kung may allergies ka, pinakamabuti na ikunsulta muna ang pagkonsumo nito sa inyong doctor. Sa paulit-ulit na pagpasok sa inyong banyo, ipinapayong gumamit ng mild soap sa paghuhugas. Maaari rin ikonsidera ang pagpapahid ng ointment, gaya ng petroleum jelly. Ayon sa mga expert, ang pag-upo sa maligamgam na tubig ay makakatulong din para guminhawa ang pagkiramdam ng iyong balat.

 

AVAI

AYON

DIARRHEA

KARANIWAN

LAST PART

MAAARI

MAHALAGANG

PERO

PROBIOTICS

  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with