^

Pang Movies

Actor / businessman, mabilis naglabas ng pera kahit ‘di alam ang gastos sa URN

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Generous ang isang actor-businessman lalo na sa mga taong nakatulong at nakakatulong sa kanyang negosyo.

Kamakailan, namatay ang isang staff ng negosyante. Eh hindi naman may kakayahan ang namatay kaya wala itong plan ‘pag namatay.

Nang dumalaw sa burol ang negosyante, umiyak sa kanya ang nanay ng namatay. Inalam niya kung ano pa ang problema.

Sinabi ng nanay na wala silang pera pambili ng urn dahil cremation ang gagawin sa namatay na anak. Agad na sumagot ang negosyante na sasagutin niya ang urn.

Pero pagtalikod ng nanay, agad kinausap ng negosyante ang staff. Magkano raw ba ang urn. May P30K raw ba ang halaga nito?

Hindi kasi alam ng negosyante kung magkano ang halaga ng sinagot niya. Eh nang malaman, kaya pala niya ang gastos, ibinigay rin niya ang perang pambili ng urn!

Natawa na lang ang staff ng negosyante dahil sa mabilisan niyang sagot sa gastos kahit wala naman siyang idea kaugnay nito!

Sparkle Tour, pinagkalat na flop

Naranasan din ng organizers ng Sparkle Goes To Canada concert na masiraan at ipakalat na flop ang shows sa Calgary at Toronto, Canada nina Bianca Umali at Ruru Madrid, Barbie Forteza at David Licauco, at Julie Ann San Jose at Rayver Cruz.

Pero hindi naman pala totoo ito. Hindi naman porke hindi napuno ang venue eh flop na ang shows, huh!

Dapat nilang isaalang-alang na may mga sponsor din ang show. Hindi nila alam kung magkano ang bayad sa sponsorship.

Ang nakakalungkot lang sa shows ng local artists sa abroad, kadalasan, ang naninira pa eh kapwa Pinoy na ‘yung hindi napagbigyan na maging producer din ng shows. O kaya, may mga taong hindi napagbigyan na pasyalan ng performers kaya ginagawan ito ng tsismis na hindi kumita dahil lang sa sama ng loob!

Eh ang totoo, matapos ang Canada, darayo sa Anaheim at San Francisco, California ang Sparkle Tour bilang patunay na successful ang naganap na shows sa Canada, huh!

vuukle comment

BIANCA UMALI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with