^

Pang Movies

Mona, dinamay sa intriga ni Ivana

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Mona, dinamay sa intriga ni Ivana
Mona Alawi
STAR / File

Naglabas na ng official statement si Ivana Alawi hinggil sa pagkaka-link niya kay Bacolod City Mayor Albee Benitez.

Sa kanyang Facebook post na inilabas noong Feb. 10 ng gabi, sinabi ng aktres/vlogger na mananahimik na lang sana siya sa issue subalit nadadamay na raw ang kanyang pamilya partikular na sa kanyang ina na si Fatima Marbella or Mama Alawi at sa kapatid na si Mona Alawi.

Kasunod nito ay nilinaw niyang hindi raw siya ang napapabalitang girlfriend ni Mayor Albee pero inamin naman niyang na-meet na niya ito.

Matatandaang umingay ang balitang may namamagitan kina Ivana at Mayor Albee matapos mag-viral ang isang video kung saan ay makikitang nasa airport sila.

Kasunod nito ay natsismis nang si Mayor Albee ang kasama ni Ivana nang pumunta siya sa Japan recently since namataan nga sila sa airport.

Pero may isa namang reliable source kaming nakausap na talagang hindi si Ivana ang kasama ni Albee kundi ang Vivamax sexy star na si Angeli Khang at hindi raw umano sa Japan nagtungo ang dalawa.

Sports car ni Daniel, pinanghinayangan

Nagsisisi at nanghihinayang si Boss Toyo na hindi niya binili ang sports car ni Daniel Padilla na binenta sa kanya kamakailan ng isang car dealer.

“Kasi nga, medyo malaki ‘yung puhunan. Kasi, hindi ko rin naman kayang bilhin lahat,” katwiran niya.

Matatandaang ibinebenta sa kanya ang sports car ni DJ sa halagang P6 million. Tinawaran niya ito ng P5.5 hanggang P5.8M pero hindi pumayag ang seller kaya hindi sila nagkabilihan.

After a few days ay nabili na ng iba ang nasabing sports car.

Hindi naman daw siya mayamang-mayaman para mabili niya ang lahat ng items na ibinebenta sa kanya.

Ang pangarap daw niyang mabili ay ‘yung costume ni Vic Sotto sa pelikulang Lastikman dahil idol na idol daw niya si Bossing. Pero mukhang malabo raw ito dahil parang wala na raw ang nasabing kasuotan.

When asked kung okay ba sa kanya na bumili pa ng acting trophies mula sa ibang artista matapos ibenta sa kanya ni Jiro Manio ang Gawad Urian trophy nito, aniya ay wala raw problema.

vuukle comment

IVANA ALAWI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with