^

Pang Movies

Junior actor, pabakat sa mga raket!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Nakalimutan na ng ibang tao ang eskandalong ginawa ng isang guwapitong junior actor na sangkot sa isang sex video kung saan kita ang kanyang mukha at kargada habang inaararo ang isang babae na hindi ipinakita ang mukha.

Eh halos wala pang isang taon nang lumabas sa social media ang video ni junior actor. Pero malaya na siyang nakakagala na para bang hindi pinagpistahan ang video niya pati na ang regular na sukat niyang kargada, huh!

Kasi naman, nakita ng isang kaibigan ang guwaping na aktor sa isang event. Nasa sports events na pala siya ngayon at parang siya ang namamahala nito.

Pero kapag nakita siya, pinagpapantasyahan pa rin siya ng mga accla at babae, huh!

Paano naman kasi, naka-shorts lang siya na bakat na bakat ang kanyang sandata! Patikim talaga ng dating niya kaya laway-laway ang bekis at girls sa event sa aktor.

Eh wala naman kasing project sa movie at TV ang aktor kaya gumagawa siya ng events upang kumita. At malay natin, baka makakuha ng “booking,” huh!

Half Irish/British at Pinay, sumabak sa Isla Babuyan

Puwedeng maging beauty queen ang inilunsad na artist ng LVD Management and Productions na si Geraldine Jennings!

Half Irish-British, half Pinay si Geraldine na hilig ang pagkanta at pagtugtog ng gitara.

Nakasali na sa isa singing contests sa UK si Geraldine at pinalad siyang manalo sa Open Mic UK Singing competition at nakapag-perform na sa O2 Arena sa London.

Taong 2009 nang pumunta sa UK at every three years ay umuuwi siya ng bansa para sa bakasyon.

Matapos ang high school, nag-aral si Geraldine sa Loyola Marymount University sa Los Angeles ng isang taon at kumuha ng kursong Managament with Music at Acting. Nag-aaral siya ngayon sa University of London.

Dahil artistahin ang dating, sumabak na rin si Geraldine sa pag-arte dahil ilulunsad siya bilang next important star of 2024 sa pelikulang Isla Babuyan produced ng Solid Gold Entertainment.

Tribute sa director na si Joey Gosiengfiao ang Isla Babuyan mula sa direksiyon ni Abdel Langit kung saan kasama ni Geraldine ang guwapong si Jameson Blake, Dave Bornea, James Blanco, Samantha da Roza at Lotlot de Leon.

Bigyan natin ng puwang sa showbiz si Geraldine Jennings!

vuukle comment

ACTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with