^

Pang Movies

Vilma, absent sa first birthday ng apo

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Vilma, absent sa first birthday ng apo
Vilma Santos.
STAR/ File

Na-miss ni Ate Vi o Vilma Santos-Recto ang first birthday ng apo niyang si Peanut sa anak na si Luis Manzano.

“Sumama ang pakiramdam ko. Babawi ako pagpunta ko sa kanila,” rason ni Ate Vi nang ma-interview siya sa Cristy Ferminute via Zoom nung isang araw.

Of course, dama pa rin ang kaligayahan kay Ate Vi sa panalo niya bilang best actress sa nakaraang Metro Manila Film Festival para sa movie nila ni Christopher de Leon na When I Met You In Tokyo.

Hindi rin niya makakalimutan ‘yung mga eksenang dinirek ni Boyet na nagsilbi ring co-director ng movie.

“Ito ‘yung eksenang inatake ako ng arthritis o osteoporosis ba? Tapos, nagsabi ako ng, ‘Ang sakit!’

“Siyempre, ‘yung eksenang natural lang. Sabi ng Associate director ko, ‘Daanan mo lang ‘yan. Ibato mo lang,” ani Vilma.

Of course, ‘yung matinding eksena towards the end of the movie kung saan may dinaramdam si Yetbo.

Sa movie, wala ‘yung madalas makita ng fans na hysteria, awayan, batuhan ng linya. “Isang feel good movie ang gusto naming ipakita na magsasabing love knows no boundaries!” sabi pa ni Vilma.

May mga tumutuligsa at hindi gusto ang movie, still, who can argue with success, huh!

Nakakalula…

Nakakalula ang dumagsang tao sa isang mall sa Pampanga nang bumisita doon ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera nitong nakaraang mga araw, huh!

Sa video na pinost ni Yan sa kanyang Facebook, nasa itaas sila ng escalator at umiindak-indak habang kitang-kita ang nagsisiksikang tao sa lahat ng sulok ng mall!

Siyempre pa, pasasalamat na rin ito nina DongYan para sa lahat ng nanood ng comeback movie nilang Rewind na balitang nangunguna pa rin sa takilya sa lahat ng MMFF entries!

Happy, happy new year sa lahat ng PSN at PM readers!

vuukle comment

VILMA SANTOS-RECTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with