^

Pang Movies

Janine / Max at Elijah, nanalo sa Eddys!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Janine / Max at Elijah, nanalo sa Eddys!
Janine Gutierrez

Sa bihirang pagkakataon sa isang awards night, dalawa ang nanalong best actress at best picture sa ginanap na Entertainment Editor’s Choice Awards / The 6th Eddys ng Society ng Philippine Entertainment Editors (SPEED) noong Linggo ng gabi sa Aliw Theater.

Nag-tie sa Best Picture ang Blue Room ni Direk Ma-an Asuncion Dagñalan at Family Matters ng CineKo Productions.

Nag-tie rin sina Janine Gutierrez at Max Eigenmann para sa pelikulang Bakit Di Mo Sabihin kung saan ginampanan ni Janine ang character ng isang deaf mute na tinanggap ng kanyang inang si Lotlot de Leon ang tropeo.

Si Max ay nanalo para sa pelikulang 12 Weeks na naunang pinarangalan sa ibang bansa.  Si Max ay anak ng nasirang magaling na actor Mark Gil.

Personal na tinanggap ni Max ang kanyang Best Actress trophy at inialay niya ito sa ina, ang dating beauty queen at aktres na si Bing Pimentel.

Samantala, nanalo namang Best Actor ngayong taon si Elijah Canlas para sa naging performance niya sa Blue Room.

Pero hindi nakasipot si Elijah na kamakailan lang ay inamin na hiwalay na sila ng girlfriend na si Miles Ocampo. Pero ba’t kaya iniintriga na diumano’y si Andrea Brillantes din ang dahilan.

Si Mon Confiado ang nagwaging Best Supporting Actor para sa Nanahimik ang Gabi. Ito na ang ikalawang pagkakataon na nakakuha ng kaparehong award ang aktor sa The EDDYS, nauna na sa pelikulang Arisaka.

Maluha-luha ring tinanggap ni Nikki Valdez ang kanyang Best Supporting Actress award para sa Family Matters habang si Nuel Crisostomo Naval ang nag-uwi ng Best Director trophy para pa rin sa Family Matters.

Nagsilbi namang hosts ng awards night sina Piolo Pascual at Iza Calzado mula sa direksyon ni Eric Quizon.

Si Pops Fernandez ang humataw sa opening production number habang naghandog din ng bonggang performance si Darren Espanto at ang grupong Calista.

Para naman sa pagbibigay-tribute sa mga yumao nang personalidad na bahagi ng industriya ng pelikulang Pilipino, naghandog ng awitin ang King of Pinoy Teleserye Theme Song si Erik Santos.

Ang iba pang nanalo ay ang mga sumusunod :

Best Screenplay: Mel Mendoza del Rosario -Family Matters

Best Cinematography: Moises Zee - Nanahimik ang Gabi

Best Production Design: Marxie Maolen Fadul - Blue Room

Best Editin : Vanessa de Leon - Blue Room

Best Musical Score: Jazz Nicolas and Mikey Amistoso - Blue Room

Best Sound: Andrea Teresa Idioma and Emilio Bien Sparks - Nananahimik ang Gabi

Best Visual Effects: Carl Regis Abuel, Tricia Bernasor at Geraldine Co - Live Scream

Best Theme Song: Sa Hawak Mo (Family Matters) composed by Paulo Zarate and sung by Floyd Tena

Special Awards:

The EDDYS Icons — Niño Muhlach, Aga Muhlach, Snooky Serna

Isah V. Red Award – Coco Martin and Piolo Pascual

Joe Quirino Award — Aster Amoyo

Manny Pichel Award — Ed de Leon,

Rising Producer of the Year — Mavx Productions

Producer of the Year — Viva Films

Barbara, bawal magsumbong sa tunay na ama ng anak

Naiyak si Barbara Millano nang pag-usapan ang naging ex niya na ngayon ay isang sikat na pulitiko na.

Ayaw na raw niyang ungkatin ang nakaraan dahil masaya na siya sa kanyang buhay sa kasalukuyan.

Pero aniya kung anuman meron ngayon ang nasabing maimpluwensyang pulitiko, deserving ito dahil mahusay naman talaga itong tumulong sa tao.

“Napakasaya ko dahil hindi ko sukat akalain na mararating niya ‘yun,” sabi ng dating sexy star na ngayon ay single parent.

Ulit niya pa na mas nagbigay ng hint kung sino ang pulitikong ito, hindi niya alam na may asawa ito noong makarelasyon niya at nabunyag lang na may asawa ito nung ibalita sa dating programang Startalk at doon na raw nag-umpisang magulo ang kanyang buhay. “Hindi ko talaga sukat akalain na mararating niya ‘yun,” saad pa ni Barbara na emosyonal kahapon tungkol sa pulitiko na bawal niyang isumbong sa sambayanan.

Anyway, kasama siya sa ipinakilala kahapon bilang isa sa mga bagong artist ng Boracho Talent Management Group na pag-aari ni Atty. Ferdie Topacio.

Ayaw na rin niyang pag-usapan ang nakaraan nila ni former President Noynoy Aquino, bilang respeto na raw sa namayapang dating presidente ng Pilipinas.

Bagama’t itinanggi ni Barbara na ang ama ng kanyang anak na medical technician ay isa sa nasabing dalawang pulitiko.

Pero may ilang duda na isa sa kanila ang ama ng anak na binantayan niya noong nag-aaral ito.

Anyway, aminado siyang na-miss niya ang showbiz kaya na kinausap niya ang kumpare niyang si Atty. Topacio na gusto na ulit niyang maging aktibo.

Isang sexy-comedy movie ang tinatrabaho ngayon ng kumpanya ni Atty. Topacio para kay Barbara.

Sinabi naman ng dating sexy star na kahit anong role ay handa siyang tanggapin as in kahit kasambahay sa serye, walang problema sa kanya.

vuukle comment

JANINE GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with