^

Pang Movies

BarDa, umamin!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
BarDa, umamin!
Barbie Forteza and David Licauco

“Barbie Forteza and David Licauco are undeniably #bookedandblessed!” post sa Instagram ng Sparkle Artist Center na pinahuhulaan nila sa netizens ang pwedeng bago raw project na gagawin ng breakout love team. Sa post ay nakitang magkasama sina Barbie at David sakay ng isang aircraft. “David and Barbie are cooking something and heading somewhere for a special project,” caption pa rin ng Sparkle.

Kaya hindi mo maaalis na magdiwang ang BarDa fans at i-express ang kanilang excitement kung ano ang tinutukoy na special project. Lalo silang na-excite nang mag-post sina Barbie at David ng ilang shots taken in Hong Kong, with Barbie posing sa Harbour City at si David, posing from a popular promenade in Hong Kong na nagpapakita ng city’s famous skyline.

Wait na lamang tayo kung ano ang bagong sorpresa nina Barbie at David sa fans nila.

Meanwhile, nasa last three weeks na lamang ang Primetime limited series nina Barbie at David na Maging Sino Ka Man na pareho na silang umamin, as Monique/Dino (Barbie) at Carding (David), ng tunay nilang feelings sa isa’t isa.

Pumasok na ang special guest nila, ang mahusay na actress na si Ms. Alice Dixson bilang si Madam Claudette, na makakatulong nila para malabanan ang grupo ng goons na gusto silang patayin. Ang serye ay napapanood gabi-gabi, 8 p.m. pagkatapos ng 24 Oras sa GMA 7.

Anne, all-out sa ‘Lucky’

Nagpahayag ng full support si Anne Curtis sa new noontime show na It’s Your Lucky Day na temporary replacement ng It’s Showtime for two weeks. “Support kay Manzano” ang sabi ni Anne bilang suporta sa close friend niyang si Luis Manzano, ang main host ng new ABS-CBN show. 

Ayon kay Anne, ang It’s Your Lucky Day ay created din ng the same group behind It’s Showtime kaya sinusuportahan din niya.

Kaya pahinga muna si Anne sa show nila for 12 days bago sila mag-resume muli sa Oct. 28. 

Nagkaroon din siya ng chance na mai-launch na niya ang isang new eyewear line sa Taguig City last Monday, Oct. 16.

Gabbi, may bagong global endorsement

Congratulations kay Kapuso It Girl Gabbi Garcia, ang first Filipina global ambassador for Aldo. 

Ginawa ni Gabbi ang announcement sa kanyang Instagram na nagpapasalamat siya sa pagkuha sa kanya para maging brand’s official Instagram handle.

Isang Canadian fashion retailer ito na may stores across the Philippines that specializes in trendy shoes, bags, jewelry, sunglasses, na tiyak na nagagamit ni Gabbi sa mga eksena niya sa Unbreak My Heart ang historic collaboration ng GMA Network at ABS-CBN, na ayon kay Gabbi ang role niya bilang si Alexandra is her “most mature role” to date.

Kasama rito ni Gabbi sina Joshua Garcia, Jodi Sta. Maria and Richard Yap, na napapanood Mondays to Thursdays on GMA Telebabad, Pinoy Hits and I Heart Movies at 9:35 p.m. and 11:25 p.m. on GTV. Napapanood din ito sa Viu.

 

BARBIE FORTEZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with