^

Pang Movies

Ate Vi, bida sa show ni Luis

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Ate Vi, bida sa show ni Luis
Ate Vi, Jessy, at Luis

Maraming nakakatuwang komento tungkol sa substitute show ng ABS-CBN na pina­ngunahan ni Luis Manzano na It’s Your Lucky Day sa It’s Showtime.

Una ay ang biro ni Luis na sila ay gumagawa ng history dahil iyan lang ang kauna-unang show na sa unang episode pa lamang ay nasasabi na nilang iyon ang kanilang last two weeks. 

Bongga rin ‘yung idea sa portion nilang Stars for All Seasons na ipino-promote naman ni Ate Vi sa kanyang blog.

Actually, talagang umiikot kay Luis ang buong programa dahil lahat ng portion ay parang konektado sa ‘Lucky’ na kilalang palayaw ni Luis.

Meron Pang-Ma-Luck-Cashan, Luckyng Kalye, Lucky Pick, Pot Luck, at ito ngang Stars for All Season.

Pero binayaran kaya nila ng kumbaga ay royalty fee si Ate Vi dahil identified naman sa kanya ang title ng Star For All Season?

Na palagay ko naman ay hindi gagawin o tatanggapin sakaling alukin siya.

Pero ang isang sigurado, may kinalaman si Luis sa creative ng programa kaya mabilis silang nakaisip ng pamasak sa pamamahingan ng Showtime sa ere dahil sa suspensyon ng MTRCB.

Albie, pinatunayang walang galit kay Jake

Ikinuwento ni Albie Casino ang pagkikita nila ni Jake Ejercito, binati raw niya iyon at nag-usap naman sila. Sinabi rin daw niyang wala siyang sama ng loob kay Jake.

Nagsimula iyan noong mabuntis si Andi Eigenmann na ang pilit na itinuturong nakabuntis sa kanya ay si Albie. Tumanggi naman si Albie na akuin ang responsibilidad, pero ganoon pa man siya ang lumabas na masama dahil parang itinatatwa niya ang isang responsibilidad na dapat niyang panagutan.

Nasira ang career ni Albie na noon ay papaakyat na sana matapos ang isang matagumpay na serye sa telebisyon. Bagsak nga si Albie at halos walang direksiyong patunguhan ang kanyang career. Kalaunan ay inamin din naman ni Andi ang totoo na ang tatay nga kanyang anak ay si Jake Ejercito at ibinintang lang nila kay Albie dahil sa takot na magalit si Erap na presidente pa noon.

Hindi naman ikinaila ni Jake na siya nga ang tatay ni Ellie nang aminin na iyon ni Andi bagama’t masasabing napatunayan ni Albie na siya ang nagsasabi nang totoo at wala siyang responsibilidad na tinalikuran.

Ang masakit kay Albie, hindi man lang daw nag-apologize sa kanya si Andi dahil sa nangyari.

Kaya ngayon kung natatanong siya kung ano ang masasabi niya sa sitwasyon ni Andi, ang sagot niya ay wala siyang pakialam

 Mabuti naman at siya na ang nagkusang batiin si Jake, na walang dudang siguro ay nangingimi ring lumapit sa kanya dahil napahamak nga si Albie dahil sa pagtatakip sa kanya. 

Gay personality nagsisi sa ‘biniling’ award

Sumusumpa raw ang isang gay personality na hindi na siya magbabayad ng award maski kailan.

Natangay lang siya ng magagandang pananalita ng mga “ahente” na makabubuti sa kanyang career kung matatawag siyang best director o best actor din.

Dahil nakumbinsi, naglabas siya ng itinatagong pera sa paniwalang may K naman siyang manalo, kaysa sa naunang nanalo sa kanya na ahente lang ng mga vitamin.

Pero pagkatapos naisip niya, sa inilabas niyang pera maaari siyang magpagawa kahit na 500 thropies pa sa Raon, umupa na lang siya ng venue at magbayad sa mga celebrity guest na mag-aabot ng trophy sa kanya. Tapos kukumbida na lang siya ng TV crew, mapapanood pa siya sa TVat hindi sa Internet lang.

The moral of the story is, huwag bibili ng award. at isipin muna kung ang tatanggapin mong award ay magbibigay ba sa iyo ng karangalan o kahihiyan.

vuukle comment

VILMA SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with