^

Pang Movies

Joey, may rebelasyon!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Joey, may rebelasyon!               
Joey

Joey de Leon spilled the beans. Nagsimula lang daw pala ang lahat nang may gustong alising tatlong hosts sa Eat Bulaga, sina Ryzza Mae Dizon, Paolo Ballesteros at Ryan Agoncillo. bago pa ang exodus ng TVJ, may isa kaming kaibigan na nagkuwento sa amin na iba na nga raw ang magiging direktor ng Eat Bulaga, siya raw ay kinukuha bilang senior writer ng show at may mababago nga raw mga host at isa sa nabanggit ngang aalisin ay si Ryan Agoncillo.  

Narinig na rin namin noon ang kuwento na aalisin nga si Ryan pero ipapalit maski na once a week lang daw si Kim Atienza. Nang tanungin, ano naman ang gagawin ni Kim sa isang programang gaya ng Eat Bulaga, ang sagot ng kausap namin ay “ewan ko sa kanila.” Kinausap daw sila ng mga Jalosjos, pagkatapos ay wala na rin silang narinig. Iyong nagkuwento sa amin ay kasama ng grupo ni direk Louie ignacio. Kaya naman siguro matapos na ilabas ang binagong Eat Bulaga, nag-post agad si direk Louie na hindi siya ang direktor noon dahil nakita na niyang nilalait-lait na ng mga tao.

Kami hindi na namin nakita iyong ibang bahagi ng programa dahil pinatay na namin ang TV,  nanood na lang kami ng videos. Hindi rin daw alam ni Joey kung bakit gustong alisin sina Ryzza, Paolo at Ryan. Hindi na nila tinanong ang dahilan, basta ang sinabi raw nila hindi puwedeng alisin ang tatlo at kung aalisin iyon ay alisin na rin silang lahat. Sabi pa ni Joey, bago sila lumipat sa TV5, talagang ang turingan na nila ay magkakapatid.

Nabanggit din niyang hindi lang daw mga host, pati production staff gusto ring alisin. In fact nagulat nga raw sila dahil ang lumabas na unang casualty ay si Tony Tuviera na siyang business partner ni Romy Jalosjos simula’t simula at siyang napatakbo ng Eat Bulaga ng 44 na taon.

Pero ngayon, anumang usapan ay hindi na mahalaga. May bagong show na nga ang TVJ, hindi na sila blocktimer lang kundi bahagi ng isang network. At higit sa lahat, ipinagkatiwala sa kanila ang content at ang pagpapatakbo ng show. Eh hindi ba naman dapat ganoon talaga dahil sa loob ng 44 na taon napanatili nilang number one ang kanilang noontime show.

Ate Vi, tuloy ang pagdarasal

Isang fan ni Ate Vi (Vilma Santos) ang nagtanong sa amin kung naalala raw akong kumustahin mang lang ni Ate Vi ngayong may sakit nga ako? Ay opo naman, isa iyan sa pinaghuhugutan namin ng lakas ng loob. Tumatawag si Ate Vi at nagtatanong kung ano ang kalagayan namin, tapos sinasabi niyang patuloy ang kanyang pagdarasal para sa aming paggaling.

Natuwa naman ang fan sa aming napagkuwentuhan, dahil masasabi na nga niyang hindi siya nagkamali ng aktres na hahangaan. Naghahahanda na nga raw sila para sa comeback movie ni Ate Vi, iyong When I Met You in Tokyo na kung saan ipapakita raw ng Vilmanians ang totoong lakas nila.

Mga starlet, nagbebenta ng sex video sa ibang bansa

Matindi pala talaga ang sex scandal raket dito sa Pilipinas. Nagulat kami sa isang Japanese friend namin sa Facebook ay nagtanong kung sikat nga raw bang mga male star sa Pilipinas ang mga pangalang inilista niya.

Iyon pala ang lahat ng nakalista sa kanya ay may video scandal na ipinagbili raw sa kanya ng isang professional photographer mula sa Pilipinas. Pinaniwala siya na ang mga iyon ay mga sikat na artista kaya nasingil siya nang mahal. Talaga palang matindi na ang raket na iyan.

vuukle comment

JOEY DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with