^

Pang Movies

Julie Anne, nakipag-bonding sa mga Aeta

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Julie Anne, nakipag-bonding sa mga Aeta
Julie Anne at mga Aeta

Ang bongga naman ni Julie Anne San Jose. Isinelebrayt niya ang ika-29th birthday niya kasama ang ang Aeta community sa Inarao, Porac, Pampanga.

Ibinahagi ang mga larawan nila sa social media na talagang marami ang napasaya niya sa na­ging pagbisita niya sa lugar.

Lutang ang saya ng Asia’s Limitless Star habang nakikiselebrayt siya sa mga ito. Ito ang paraan niya para maibahagi niya ang kanyang blessings. Hindi niya nakalimutang ibahagi ito sa kabila ng tagumpay na tinatamasa ngayon.

Caption niya sa kanyang post: “Birthday blessings are always best when shared “I had a lovely time with the members of the Aeta community in Pampanga. It was indeed a blessing to be with the children and see their beautiful smiles”

Namigay siya ng mga grocery package sa mga pamilyang Aeta.

Kinantahan din niya ang mga Aeta ng espesyal na awitin. Makikita sa mga ngiti ng mga ito na nagustuhan ng mga ito ang kantang inalay sa kanila. Kaya siguro lalo itong ginanahang kumanta.

Hindi lang siya basta namigay ng mga grocery package kundi nakipag-bonding din siya sa mga cute na batang Aeta.

Marami ang humanga sa kabaitang ipinakita niya.

Samantala, suportado siya ng kanyang boyfriend na si Rayver Cruz at sinamahan siya nito sa pagdalaw sa mga Aeta. Bongga

vuukle comment

JULIE ANNE SAN JOSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with