^

Pang Movies

Boy, naging alerto kay Boobay!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Mabilis tumawag ng commercial break ang King of Talk na si Boy Abunda nang biglang natulala ang kaharap niyang si Boobay habang nakasalang sa Fast Talk noong Huwebes.

At tinanong ang guest niya kung kailangan bang isugod sa ospital. Pero sinabi naman ni Boobay na ok lang siya, at nangyayari talaga sa kanya iyon bunga pa rin ng kanyang naging stroke noong 2016.

Naituloy naman at maayos na natapos ng King of Talk ang kanyang Fast Talk.

Kailangan talaga, alisto ang isang live show host kung ganyan dahil hindi mo talaga malalaman ang sitwasyon ng guest mo.

Hindi lang atake eh. Masasabi mo bang mahuhulog si Kris Aquino noon sa stage samantalang marami namang naunang performers noon sa show ni Kuya Germs (German Moreno) na hindi naman nalaglag.

Nangyari rin iyan kay James Reid sa isang fashion show, pasayaw-sayaw pa siyang naglalakad sa stage nang bigla na lang mawala, nahulog na pala.

Nangyari rin kay Ate Luds (Inday Badiday) noon. Aakalain ba naman niyang magkakaroon ng pukpukan ng microphone sa kanyang show na hanggang ngayon ay napapanood sa internet.

Pero iba talaga ang king of talk, ni hindi mo makitang kinabahan. Alam agad niya ang kanyang gagawin.

Bigla siyang tumawag ng commercial break at nang magbalik on the air, wala nang problema.

Mahalaga para sa isang talk show host na tantiyado ang lahat ng mangyayari sa kanyang show.

Hindi siya dapat makitaan ng pagpa-panic, hindi siya maaaring mataranta, at diyan sa mga ganyang bagay mahusay si Boy Abunda.

Ate Vi, bumalik na ng bansa para sa binyag ng apo

Ilang araw na lang at babalik na sa Pilipinas si Ate Vi (Vilma Santos). Natapos na rin naman ang lahat ng kanilang eksenang kailangang kunan sa Japan at imposible rin naman niyang palampasin ang binyag ng kanyang unang apong si Baby Rosie.

May naka-schedule nang isang private baptism si Baby Rosie, alam naman ninyo sila hanggang maaaari ay isang private family celebration ang gusto para sa bata.
Siguro in due time mas magkakaroon ng public events na makakasama si Baby Rosie o Peanuts.

Pero sa ngayon hayaan muna natin siyang magkaroon ng isang tahimik na buhay, after all maaalala pa ba niya sa pagdating ng araw kung sino man ang mga taong makasalamuha niya sa ngayon?

tf may ibang collector...

Male starlet, TY sa endorsement!

May kumukuha raw sa kanya para gumawa ng endorsement, sabi ng isang male starlet, pero walang talent fee. TY lang daw, aba eh sino ang kumukuha ng TF?

Minsan ganyan ang problema basta baguhan at wala pang alam, napagsasamantalahan. Eh ano rin ang mangyayari sa kanilang management company, papaano silang maikukuha ng project na may bayad kung nakukuha naman sila ng TY?

vuukle comment

BOY ABUNDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with