^

Pang Movies

Billy, mamimigay ng malaking papremyo

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Billy, mamimigay ng malaking papremyo
Billy

Ang sarap naman ng makakasali at mananalo sa The Wall ng GMA 7.

Ang laki ng mga premyong mapapa­nalunan sa show ni Billy Crawford na talagang perfect sa mga ganitong uri ng show dahil sa energy niya at mahusay na pagdadala ng excitement.

Bagay na bagay kay Billy ang The Wall at tiyak na magiging rater ito.

Mas type ngayon ng viewers ang mga ganitong program dahil sa premyo, alam mo naman ang suwerte, biglaan dumating.

Iyon marahil ang nasa isip ng lahat ng supporters ng mga game show na malalaki ang premyo, na nasa tabi mo lang ang suwerte, bongga.

Mga pinagkakatiwalaang tao, madaling gumawa ng solusyon

Ewan ko kung dapat ako ma-flatter na talagang ang dami ng gustong magbigay ng tulong sa akin para sa medical expenses ko.

Siguro nga either mukha akong poor, feeling nila poor ako, o alam nila na happy ako ‘pag binibigyan ng envelope.

Hindi ko talaga malilimutan na ang favor binabayaran din ng favor, pero ever since ang Villar girls na sina Avec, Anna Mae at Candy laging nauuna sa pagbibigay tulong, meron o wala kang mabibigay na tulong sa kanila.

Siguro nga ‘yung ibang tulong nila galing na rin sa bulsa nila kaya ang dali nilang ibigay.

Kaya naman solid ang suporta ng followers ng mga Villar dahil na rin sa competence nina Avec, Anna Mae at Candy.

Ganyan din si Eric Cham, kahit nasaan si Lito Atienza tiyak susundan niya para iparating ang kalagayan ng friends nila. Si Brian Yamsuan na lagi ring nakaalalay para tumulong.

Marami pang mga efficient na trusted men and women na talagang magpapadali sa solusyon ng problema mo. Kaya don’t despair, hanapin n’yo lang sila para sa tulong na kailangan n’yo, at presto, solusyon agad. 

vuukle comment

BILLY CRAWFORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with