^

Pang Movies

Rabiya binura na naman si Jeric

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Rabiya binura na naman si Jeric

Binura ni Rabiya Mateo ang photos ng boyfriend niyang si Jeric Gonzales sa kanyang Instagram account.

Yup, kahapon nga ay wala na sa IG ng former Miss Universe Philippines ang souvenir ng relasyon nila ng Kapuso actor.

Though may ilang hindi na na-shock dahil from the start naman daw talaga ng relasyon nila, away-bati na sila.

Kaya hindi na raw nakakagulat na ginawa ito ni Rabiya.

Saka ang ‘style’ raw kasi ni Rabiya, aawayin si Jeric tapos after a while siya rin ang mag-aamo sa actor.

Emotional blackmail nga raw ang nangyayari.

Kasalukuyan daw nasa taping ng Start Up Phillippines si Jeric habang nasa ‘war mode’ ang girlfriend nitong si Rabiya.

Ruru, napako rin sa Lolong

Tuluy na tuloy na ang airing ng Lolong na inumpisahang gawin noong 2019 ng GMA 7 na pinagbibidahan ni Ruru Madrid. Mapapanood na ito umpisa sa July 4.

“‘Yun nga po tulad ng sinabi ko kanina, napakarami po naming pinadaanang pagsubok pero wala po ni isa po sa amin ang sumuko, wala po ni isa sa amin ang nag-give up na wag na lang ituloy kumbaga syempre ‘yung iba kinukuha na sa ibang shows, pero hindi nila iniwan itong programa po na ito kasi ganon po nila kamahal at naniniwala po kami na magiging matagumpay po ito,” umpisa ni Ruru sa ginanap na  virtual conference nito kahapon kasama ang buong cast.

“Napilay ako, napako ako, lahat po pinagdaanan na po namin kaya sana po, sana po talaga mapanood n’yo kung ano po ‘yung pinaghirapan po namin,” dagdag niya pa.

Todo-todo rin ang pasasalamat niya sa lahat ng mga nakasama sa nasabing action serye dahil nagawa niya itong tapusin kahit may oras na gusto na niyang sumuko.

“Parang hindi ko na kaya pero lahat ng mga nakasama na lang po yung tinitingnan ko dahil wala po sa inyong gustong sumuko kaya wala po akong karapatan sumuko rin. Kaya ganun ko po kayo kamahal. Ito po ay hindi ito pang taping lang. Hindi taping friends ‘to kumbaga habang buhay ko kayo mamahalin sa kadulu-duluhan ng buhay ko lalo ka na DJ Durano. Habang-buhay ko kayong mamahalin lahat,” ilang beses na pahayag ni Ruru na iiyak na sa mga nakatrabaho dahil taon din ang binilang  at maraming beses silang sinubukan bago mapanood sa July 4.

Sinabi rin ng young actor na malakas din ang mensahe ng Lolong at ng buwayang si Dakila.

“Masasabi ko lang na malaki rin po ang maiaambag nito sa ating bansa dahil ita-tackle po natin dito yung mga nangyayari po sa ating bansa like corruption, mga sira sa kalikasan. Kumbaga yung mga sakim sa kapangyarihan. Marami pong ganun na maipapasok po rito sa programa kaya para po sa mga kabataan maaaring makapagsilbi itong inspirasyon sa kanila na wag natin hayaan na kumbaga na hayaan yung mga taong ganon sa atin kumbaga ipaglaban natin yung mga karapatan natin.”

Pero may maituturing ba si Ruru na ‘buwaya’ sa kanyang buhay sa kasalukuyan?

“At first siguro maituturing ko pong mga buwaya sa buhay ko yan yung mga pagsubok na pinagdadaanan ko kumbaga yan kasi yung tipong kailangan kong labanan para magtagumpay ako kasi pagkaalam mo yun. Sabi nga nila it’s not the destination, it’s the journey kumbaga kahit na gaano pa kahirap yung pinag­daanan mo kung hindi mo nanamnamin yun parang wala rin yung pagka nakarating ka sa dulo. So yun for me, mas papahalagahan lang natin kung anong meron po tayo,” pahayag pa ng Kapuso actor.

vuukle comment

RABIYA MATEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with