^

Pang Movies

Alden, Cum Laude sa online seminar sa pagnenegosyo

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Alden, Cum Laude sa online seminar sa pagnenegosyo

Kahit naka-quarantine na si Alden Richards, in preparation sa pagbalik nila sa final lock-in taping nila ng The World Between Us, nagawa pa rin niyang mag-attend ng FinancePH Seminar, online. Ang Daddy Bae niya ang nag-post ng Certificate of Completion sa Instagram nito.

Nag-attend din si Alden ng seminar on Stock Market 101: Fundamental Analysis on Sept. 11, 2021 with Facilitator Mark Joseph Hernandez. Student Grade: Cum Laude.

Sa past interviews nga ni Alden, isa ito sa mga binabanggit niya na gusto niyang mag-aral pa ng tungkol sa financing, since into business siya dahil nga sa pag-aari niya ang ilang Concha’s Restaurant in Tagaytay at ang kanyang fast food in Binan, Laguna. Kaya maraming bumati kay Alden sa social media at nag-trending pa ito sa Twitter.

John Lloyd, pag-aagawan nina Andrea at Rabiya?!

Lumilinaw na raw ang balitang tuloy na ang paggawa ng sitcom ni John Lloyd Cruz sa GMA Network at pinag-aaralan na raw lamang ng lawyer ng management company niya ang tungkol sa contract niya.

Pero sino nga kaya ang magiging leading lady ni Lloydie sa sitcom? Unang lumabas ang name ni Kapuso actress Andrea Torres, pero pumasok na rin ang pangalan ni Miss Universe Philippines Rabiya Mateo, na sabi’y magiging Kapuso na rin pagkatapos ng reign niya sa Sept. 24.

As to Andrea, nang matanong ang isa sa Legal Wives ni Dennis Trillo kung tuloy ba siya sa sitcom, ayaw pa niyang mag-commit dahil wala pa naman siya talagang alam. Pero gusto rin daw niyang makatambal ang iba pang Kapuso actors na hindi pa niya nakakatrabaho like Gabby Concepcion and Tom Rodriguez.

Paolo, ayaw nang magsalita

Gusto na ni Paolo Contis na manahimik, ayaw na raw niyang magbigay pa ng ibang comments tungkol sa paghihiwalay nila ni LJ Reyes, dahil nasabi na raw niya ang side niya.

Sa ngayon ay muli na silang bumalik sa huling lock-in taping ng cast ng I Left My Heart In Sorsogon with Heart Evangelista at new Kapuso actor Richard Yap with Kyline Alcantara at Mavy Legaspi. Bago bumalik sa lock-in taping, nagpaka-busy rin muna si Paolo sa paggi-guest sa mga Kapuso show like Dear Uge at Bubble Gang.

Miss na miss na raw ni Paolo ang two-year old daughter nila ni LJ na si Summer, kaya gusto na niyang makipag-ayos kay LJ dahil gusto niyang madalaw si Summer sa New York this coming Christmas.

I-wish natin si Paolo na sana ay maging maayos ang pag-uusap nila ni LJ para maging masaya naman si Summer kung muling makita ang ama sa Christmas.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with