^

Pang Movies

True ba? Coco, may bagong investor sa Probinsyano?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
True ba? Coco, may bagong investor sa Probinsyano?!
Julia

Hanggang sa kasalukuyan ay naka-mandatory quarantine pa rin ang grupo ng Ang Probinsyano matapos ngang may mag-positive diumano sa mga extra at service driver nila ayon sa isang source.

Today supposedly ang reswabbing ng grupo at hopefully daw wala nang mag-positive para makapag-resume na sila ng taping ayon pa source.

Naka-hold daw sa kasalukuyan ang permit nila sa LGU hangga’t ‘di lumalabas ang swab result ng buong production nito kung saan apat na hotel sa Ilocos ang occupied ng buong cast and staff.

Anyway, ang pagbabu kaya ni John Prats ang signal na papasok na si Sharon Cuneta na umano’y gaganap na nanay ni Julia Montes sa Ang Probinsyano?

Malalagay nga sa panganib ang Task Force Agila habang patuloy silang nagtatago mula sa mga kalaban dahil makakabanggaan ni Jerome (John Prats) ang isang grupo ng mga armadong lalaki sa FPJ’s Ang Probinsyano, na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, and TV5.

Sa pinakahuling teaser nga ng serye, makikitang naghihingalo at duguan si Jerome habang tinatawag ang pangalan ni Cardo (Coco Martin) pagkatapos siyang mabugbog. Malalagasan na ba ng isang mi­yembro ang Task Force Agila?

Anyway, grabe rin daw talaga ang pinagdaanan ng Probinsyano sa lock-in taping nila sa Ilocos kung saan almost a month na raw doon ang grupo kaya talagang ina-assume nila na sobrang laki ng cost of production nila.

So totoo kayang may bagong investor si Coco sa kanyang programa?

vuukle comment

JULIA MONTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with