^

Pang Movies

Coco, gagastusin ang mga naipon sa pulitika?!

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa
Coco, gagastusin ang mga naipon sa pulitika?!
Coco

Mukhang hindi na nga paaawat pa si Coco Martin sa planong pagtakbo bilang senador ngayong coming election.

Matagal silang nagsama ni Sen. Lito Lapid sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano at nakumbinsing tularan ang naging suwerte nito subalit may mga nagsasabing mukhang mabigat ang papasuking sugal sa pulitika ni Coco. Sa panahong ito, pera-pera ang command ng takbo ng buhay dito at hindi puwede ‘yung porke sikat at maraming project at higit sa lahat pogi si Coco ay malaking laban na.

May mga nangangamba nga raw na baka kapag napalulong sa pagtakbo si Coco ay maubos ang pera niyang matagal pinagpaguran.

Hindi na kasi uso ngayon ang bigyan mo lang ng P200 o P500 ay tiyak na iboboto ka na.

Wow, ibang-iba na po ngayon. Pera-pera lang talaga ang labanan at usapan.

Sanya nagulat sa halik ni Sen. Bong

Ibang klase talaga humalik si Sen. Bong Revilla na nasaksihan ng televiewers sa Agimat ng Agila noong halikan niya si Sanya Lopez.

Nabigla si Sanya pero hindi man lang siya nagalit at mukhang nag-glow pa ang beauty sa halik ni Bong.

Sabagay, ilang aktres na ang nahalikan ni Bong at pare-parehong sinuwerte sa kanilang mga career.

Ayon kay Bong, hindi naman niya ito sinadya dahil sinunod lang niya ang nakasulat sa script at direction ni Rico Gutierrez.

Halatang sabik na sabik ang tele­viewers dahil mataas ang rating ng Agimat ng Agila.

Kapuso network, puro replay muna

Bakit daw kaya pulos replay ang napapanood na GMA teleserye ngayon sa Kapuso network.

Totoo kaya ang siyeteng mahirap daw mag-taping ngayon dahil marami talaga ang nahahawa?

Isa pa ‘yang swab test na ‘yan na ultimo extra ay isu-swab test din. Ang tragedy ay may bayad ito at dagdag gastos lalo’t mga extra lang sa ginagawang serye.

Grabe ‘yang pandemonic COVID na ‘yan na pati sinehan ay idinamay na huwag na lang buksan dahil susugurin ng protocol experts.

Wow, gutom talaga ang peg ng mga biktima ng demonic COVID na ‘yan.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with