^

Pang Movies

Anne, hindi pa rin nagpaparamdam sa Showtime

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Anne, hindi pa rin nagpaparamdam sa Showtime
Anne

Pitong taon din ang ipinaghintay ng mag-asawang Karylle at Yael Yuzon bago nabuntis ang singer-actress at kaisa-isang anak ng Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla sa kanyang ex-husband na si Dr. Modesto Tatlonghari na isang dentista.

Si Karylle at ang Sponge Cola frontman and songwriter na si Yael ay ikinasal noong March 21, 2014.

Bukod sa mag-asawa, masaya rin para sa kanila ang estranged parents ni Karylle dahil sa wakas ay magkakaroon na sila ng kanilang kauna-unahang apo. Masaya rin para sa kanilang mag-asawa ang mga kasamahan ni Karylle sa It’s Showtime na pina­ngungunahan ni Vice Ganda.

Samantala, para mapangalagaan ang unang pagbubuntis ni Karylle ay nag-take ito ng early maternity leave sa It’s Showtime.

Speaking of It’s Showtime, marami pa rin ang nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik sa programa ang isa sa mga main hosts ng programa na si Anne Curtis who took her maternity leave noong December 2019 nang kanyang isilang sa Melbourne, Australia ang first child nila ng kanyang mister na si Erwan Heussaff na si Dahlia Amelie noong March 2, 2020.

Nakabalik na sa Pilipinas ang pamilya last February 2021 pero hanggang ngayon ay no-show pa rin ang actress-host at celebrity endorser sa programa.

Le Chazz, mag-isang namuhay bago binawian ng buhay!

Matapos sumakabilang-buhay noong isang taon ang stand-up comedian na si Kim Idol sa edad na 41, isa na namang stand-up comedian at isa sa mga dating co-host ni Willie Revillame sa Wowowin na si Le Chazz (Richard Vargas Yuzon sa tunay na buhay) ang binawian ng buhay noong nakaraang linggo sa kanyang tahanan in Kamuning, Quezon City.

Myocardial infraction o atake sa puso ang ikinamatay ni Le Chazz sa edad na 43.

Ang isa sa kanyang pinakamalapit na kaibigan na si AJ Tamiza na isa ring stand-up comedian ay siyang nag-asikaso sa kanyang mga labi na agad dinala sa  Mary Immaculate Funeral Services.  He was cremated noong Lunes, May 3 ng alas-3 na hapon sa Loyola Chapels & Crematorium in Commonwealth, Quezon City. Nagkakaroon ng two-day public viewing.

Si Le Chazz ay naging bahagi ng gag show ng ABS-CBN na Banana Sunday; Extra Scoop in 2011 at sa Banana Nite in 2013. Isang taon din siyang naging part ng Wowowin noong 2018 hanggang 2019 matapos siyang makita ni Willie na nagpapasaya sa audience bago magsimula ang show and during commercial breaks.

Hiwalay na ang kanyang parents at mag-isa siyang anak at mag-isang namumuhay hanggang sa kanyang paglisan.

ZSA ZSA PADILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with