^

Pang Movies

Kira, sasali sa beauty pageant

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Kira, sasali sa beauty pageant

Matuloy kaya ang planong pag-join sa beauty pageant ng 20-year-old young Kapamilya actress na si Kira Balinger ngayong unti-unti nang gumaganda ang takbo ng kanyang career?

Hindi nagpapahuli si Kira sa husay ng acting na ipinapakita ng mga pangunahing bida ng primetime TV series na Ang Iyo ay Akin na sina Jodi Sta. Maria, Iza Calzado at Sam Milby gayundin ang panganay na anak ng actor na si Mark Fernandez na si Grae Fernandez.

Hindi ikinakaila ni Kira na pangarap niyang maging isang beauty queen ba­lang araw at sobra siyang na-excite nang makaharap in person ang 2018 Miss Universe na si Catriona Gray na isa sa kanyang mga inspitarasyon kung bakit gusto niyang sumali sa beauty pageant someday.

Piolo at Maja, nawalan ng ingay

Marami ang nanghihinayang sa pagkalas nina Piolo Pascual at Maja Salvador sa bakuran ng ABS-CBN para maging bahagi ng short-lived Sunday musical variety show na Sunday Noontime Live na itinapat pa sa kanilang pinagmulang programa, ang  ASAP Natin ‘To ng Kapamilya Channel.

Sina Piolo at Maja ay parehong homegrown and prized  talents ng ABS-CBN at walang mag-aakala na iiwan nila ang network na nag-build-up  sa kanila lalo na sa panahong kailangan sila sa gitna ng krisis na kinaharap ng network nang ipagkait sa kanila ng Kongreso ang prangkisa .

Alam mo, Salve A., big question mark sa ngayon kung muling tatanggapin ng Kapamilya network sina Piolo at Maja na kapwa `tumalikod’ sa kanila.

Empress, ngayong 2021 ikakasal

Malamang na sa loob ng taong ito (2021) ikasal ang 27-year-old actress na si Empress Schuck sa kanyang fiancé at longtime partner na si Vino Guingona, apo ng dating Pangalawang Pangulo, ang 92-year-old na si Teofisto Guingona, Jr.

Sina Empress at Vino ay merong 5-year-old daughter na si Athalia. Nag-propose si Vino sa actress sa ika-5th birthday ng kanilang anak nung September 2020. 

Last Wednesday, February 17 ay sinorpresa si Empress ng bridal shower kung saan naroon din si Vino at hindi napigilan ng aktres ang mapaiyak dahil sa sobrang tuwa.

Makakasama sa wedding entourage ang best friend niyang actress na si Melissa Ricks.

Twenty-two si Empress nang kanyang ipagbuntis si Athalia.

vuukle comment

KIRA BALINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with