^

Pang Movies

Bianca at Ruru, magkapatid na sa pananampalataya

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

“Magkapatid” na ngayong maituturing ang mag-sweetheart na sina Bianca Umali at Ruru Madrid, dahil isa na palang binyagan ng Iglesia ni Cristo (INC) ang actress. Dati na palang gusto talaga ni Bianca na sumapi sa INC at naging tulay nga si Ruru para matupad iyon. Bininyagan si Bianca noong December 23, 2020.

Kabilang na ngayon si Bianca sa maraming artista at TV personalities na members ng INC.

Sa kasalukuyan ay tinatapos ni Bianca ang lock-in taping nila ng Legal Wives na malapit nang mapanood sa GMA Primetime block, kasama sina Dennis Trillo, Alice Dixson at Andrea Torres sa direksyon ni Zig Dulay.

Si Ruru naman ay kasalukuyang naghahanda sa lock-in taping ng Lolong, kasama sina Shaira Diaz at Arra San Agustin, matapos ang kanilang physical training.

Prima Donnas, grand finale na!

Grand finale episode na ngayong hapon ng top-rating and well-loved GMA Afternoon Prime series na Prima Donnas, kaya naman lahat sila ay masayang-malungkot sa pagtatapos ng serye na dinirek ni Ms. Gina Alajar, na tinampukan naman ng tatlong donnas na sina Jillian Ward, Althea Ablan, Sofia Pablo, kasama si Elijah Alejo with Katrina Halili, Wendell Ramos at Ms. Chanda Romero.

Labis ang pasasalamat nila sa lahat ng netizens na hindi raw sila binitiwan sa kabila ng matagal-tagal din silang hindi napanood dahil sa pandemic. Pero isang special surprise ang naghihintay sa viewers na hindi nila dapat ma-miss. Mapapanood ang Prima Donnas at 3:20 p.m. pagkatapos ng Magkaagaw sa GMA 7.

vuukle comment

BIANCA UMALI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with