^

Pang Movies

Puso ni Ruffa pahinga muna

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Pahinga muna ang puso ni Ruffa Gutierrez sa pag-ibig. Hiwalay na siya sa kanyang seven years foreigner-boyfriend na si Jordan.

“Ako ang unang nakipag-break. I just need space and time to be alone. Walang third party! Saka na muna. Focus muna ako sa family. My Dad and Mom are not getting any younger. Of course, may kids and my career. Marami pa akong gustong gawin,” pahayag ni Ruffa sa virtual interview niya sa press.

Eh ano naman ‘yung balita na magkikita sila ng dating asawa na si Yilmaz Bektas?

“Oo kasi ilang beses na niyang sinabi na pupunta siya.

“Magkikita kami may to talk about co-parenting with our kids.

“Eh greatest love ko naman ‘yon at ako pag nagkarelasyon, mahirap akong kalimutan.

“Pero sabi niya, puwede kong isama ang love ko. Pero one way ticket lang daw ang bilhin ko dahil hindi na siya makakabalik! Kaloka!

“’Yun nga lang, marami ang emotions involved lalo na sa mga anak ko. Kung dumating siya, okay.

“Kinaya ko namang buhayin ang mga anak ko. ‘Yung mga bata rin naman, parang hindi na sila umaasa,” pahayag ni Rufa.

Magtatapos na ang series na Stay in Love ni Ruffa sa TV5 at by April, isang malaking teleserye ang sisimulan niya.

vuukle comment

RUFFA GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with