^

Pang Movies

Puwedeng-puwede sa TV5

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Puwedeng-puwede sa TV5
Coco

Nakakaloka naman na sinabi ng TV5 na wala silang alok kina Coco Martin at Vice Ganda, Salve.

Kalat na kalat kasi noong una na baka sa TV5 gumawa ng bagong prog­rama si Vice Ganda, at ‘yung Ang Probinsyano daw ay baka mapanood sa Cignal, pero heto, pinabulaanan ni Perci Intalan na siyang namamahala ng programming ng TV5.

Parang isang mala­king sampal naman na nasabi na walang alok ang istasyon sa dalawang Kapamilya stars, para siguro mahinto na ang kumakalat na balita na inalok at tinanggihan daw ang alok.

So klaro, walang alok at walang balak alukin.

Pero ang totoo, wide open sila para sa gustong pumasok sa bakuran nila, at gaya ng pagla-line produce ni Tony Tuviera sa TV5, puwede silang iga­wa ng program ni Papa T. The ballcourt is open sa mga gustong pumasok. 

K-Drama pampatanggal ng antok

Ewan ko ba, Salve, kung bakit lagi akong inaantok noh.

Talagang kagigising ko lang sa umaga, feeling sleepy na naman ako. Siguro dahil sa nakatono ang utak mo na wala ka namang gagawin, so better sleep ka na lang.

Para bang lazybone talaga ang katawan ko, tamad na tamad.

Naku ha, dapat siguro mag-start na uli ako ng Korean marathon ko, para may laman na naman ang utak ko.

Dumating kasi ako sa punto na parang nagkaroon ako ng sawa factor sa dami ng pinanood ko na hindi ko na matandaan ang title at kung sino ang bida.

Sala-salabat na siya sa utak ko, kaya huminto na muna ako. Pero now, mag-i-start uli ako para mawala ang tamad factor ko at mukhang uulitin ko ang mga napanood ko na. At aalamin ko na talaga ang names ng Korean actor noh, para ma-memorize ko na. Hala mag-i-start na uli ako. 

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with