^

Pang Movies

Ibang programa ng ABS, nagbalikan pagkatapos ma-expire ang franchise!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Kung kailan sinasabing talagang tapos na ang franchise ng ABS-CBN, at nagbanta pa si Solicitor General Jose Calida sa NTC na madedemanda rin sila kung maglalabas sila ng provisional authority, at saka naman biglang bongga ang broadcast ng network.

Nagbalik na sa kanyang morning program sa dzMM si kabayang Noli de Castro, matapos ang pananahimik kasabay ng 45 na araw ng lockdown. Tuloy naman ang programa, pero iba ang tono kung si Kabayan mismo ang naroroon.

Kasabay noon, bumalik na rin nang live mula sa kanilang studio ang morning show ng Channel 2 na Umagang Kay Ganda. Kaya lumalabas na matapos ang kanilang franchise, mas naging normal pa ang broadcast ng ABS-CBN na naapektuhan din naman ng lockdown.

Sinasabi ni Speaker Alan Peter Cayetano, at sinabi rin naman ng Department of Justice na maaari ngang magbigay ng provisional permit ang NTC para makapagpatuloy ang ABS-CBN habang pending pa ang kanilang franchise sa mababang kapulungan. Tinutulan naman iyon ni Calida.

Pero sinasabi ngang sa panahon ngayon na kailangan ang isang lehitimong source ng balita para labanan ang nagkalat na fake news sa social media, at dahil hindi naman maikakaila ang tulong na nagagawa ng ABS-CBN sa mga frontliners at biktima ng Covid-19, parang wala nga sa timing na bigla silang ipasara ngayon.

Kung hindi nagkaroon ng ganyang emergency baka pa, pero may emergency nga eh, at sa ganitong panahon kailangan natin ang lahat ng tulong.

Sa ganitong panahon kailangan din ang mapaglilibangan ng mga taong hindi na makalabas ng bahay, at walang dudang may nagagawa riyan ang ABS-CBN.

Uunahan sina Daniel at Kathryn Karla paKakasal na!

Baka kung may plano na ngang lumagay sa tahimik ang KathNiel sa taong ito, hindi sila matuloy. Kasabihan nga ng mga Pilipino, bawal sa pamilya iyong sukob sa taon.

Mukhang desidido na rin si Karla Estrada na magpakasal sa kanyang boyfriend na si Jam Ignacio. Naglabas pa siya sa kanyang Instagram ng picture ng isang beach na mukhang tinutukoy ang honeymoon, at dalawang singsing na gawa ng Tiffany’s sa New York.

Apat na ang anak ni Karla. Bukod kay Daniel, nariyan si Juan Carlos Padilla, Camille Tenorio at Margaret Planas. Pero minsan man ay hindi nagpakasal sa mga ama ng kanyang mga anak si Karla.

Ang boyfriend naman niyang si Jam Ignacio, na 38 years old lamang, ay may dalawa ring anak, pero hindi rin kasal sa dati niyang partner. Ibig sabihin walang sagabal talaga sa kanilang pagpapakasal kung may plano na nga sila.

vuukle comment

JOSE CALIDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with