^

Pang Movies

Vice umaming na-’Eat Bulaga’ sa pandemic

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Nakakabilib talaga ang ugali ni Vice Ganda!

Isa siya sa mga dating performer sa Punchline at Laffline comedy bars na nag-join sa We Laugh As One (Online Bayanihan Para sa mga Kaibigan!) fundraiser kamakailan.

Actually, maraming nag-abang sa online event na ‘yon dahil kay Vice, huh!

‘Kaaliw nga si Vice dahil talagang ang bongga niyang magpatawa sa tsikahan niya sa mga nag-host na sina MC Calaquian at Chad Kinis.

Nabanggit din ni Vice na kahit naka-lockdown siya sa bahay, hindi naman daw natigil ang trabaho niya. Trabaho lang daw sa studio ang natigil, pero panay-panay ang meeting niya sa mga taga-ABS-CBN (sa pamamagitan marahil ng group video call), pati raw mga pelikulang gagawin niya in the future ay pinaghahandaan din niya, plus ang business niyang ViceCosmetics.

Sabi ni Vice, anytime raw kasi na ma-lift na ang lockdown ay kailangang handa raw siya.

Lesson nga raw itong COVID-19 pandemic para paghandaan ang mga maaaring mangyari in the future. Nagbiro pa si Vice na nabulaga raw tayong lahat na hindi tayo puwedeng makalabas ng bahay.

In-Eat Bulaga tayong lahat dahil hindi tayo handa,” pagbibiro pa ni Vice na binanggit ang title ng katapat na noontime show ng kanilang It’s Showtime.

Anyway, ang nasabing fundraiser daw ay ginawa ni Vice at ng ibang mga comedian ng Punchline at Laffline comedy bars para sa mga nagtatrabaho doon na walang-wala talaga ngayong ECQ.

Malaki-laki rin ang nalikom nilang halaga at may mga kilala ako na taga-abroad na tumutok doon at nag-donate dahil nga inabangan si Vice!

Kitkat may depression, inutangan na pati ang kasambahay

Naka-chat ko sa Facebook Messenger ang comedienne na si Kitkat.

Sad ang kalagayan ngayon ni Kitkat nang kumustahin ko siya.

Hi friend. Naku March 3 ang last naming labas ‘tapos total lockdown kami dito sa village namin kasi Rizal kami... huhuhu, grabe hirap, ultimo cash ng katulong, inutang ko suweldo niya, pati cash niya inutang ko na kasi dito lang kami sa loob ng village bumibili ng food sa maliliit na tindahan, so nauubusan na kami ng cash, walang mawidrawhan, bawal lumabas. 

So minsan mga kaibigan ko padala ng mga food sa amin, kukunin namin sa gate. Sobrang depressed ko dahil parents ko, parehong senior (citizens), nasa QC, so mga pagkain at gamot nila, inaalala ko. Ikaw musta ka?” chat niya sa akin.

Namatayan pa kmi last wk di man lang ako nakatulong sa tita ko ni isang kusing. Bukod sa nagrerecover pa ko sa pagkamatay ni Nanay(lola) ko e pati ung opera ni papa nung december nirerecover ko pa din at mga gamot nya... tpos ang mga bayarin nga na automatic kaltas dredretso bayarin hay tpos sinabi nga na ang entertainment industries di agad makakabalik at tska paano e delikado din at katakot hanggat walang gamot.

Sabi ko nga di porket nakikita masaya posts e walang pinagdadaanan. Ung iba kung makapilit tulungan sila pang gatas ng anak nila sabi ko ako nga kaya di pa nag baby kasi ayokong pagdating ng panahon isipin ko responsibilidad at mahirapan ako sa pag pa gatas, pakain, at paaral or anong kelangan ng anak ko e.... kaloka ung iba magagalit pag di mo natulungan porket artista. No work no pay daw sila sabi ko pare pareho po tayo at kami no work no pay pero mas maraming kelangang bayaran at intindihin syempre marami din kmi pamilya na mahihirap na di rin namin matulungan.

May PTSD depression pa naman ako lalo nag titrigger sa panic ngayon,” sabi pa ni Kitkat sa chat namin.

Nagka-PTSD (post-traumatic stress disorder) si Kitkat dahil sa nangyari sa kanya 10 years ago nang ninakawan siya ng isang ex niya at kinailangan daw niyang magpa-doctor at binigyan nga siya ng prescription medicines.

Naku, ngayon talagang naka-lockdown tayo dahil sa pandemic na ito ay marami talaga ang nagkaka-depression.

Take care, Kitkat at sana nga matapos na ang pandemic na ito.

‘Yun na!

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with