^

Pang Movies

Lani walang birthday celebration

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Lani walang birthday celebration

Bacoor City Mayor cum actress Lani Mercado turned 52 sa kanyang birthday kahapon, April 13.

But unlike sa kanyang mga past birthday, walang selebrasyon na naganap. Bawal ang anumang klase ng socializing ngayon dala nga ng pandemic na COVID-19.

Strict ang kautusang social distancing. At least, one meter apart kayo ng kasabayan mo, kakilala mo man ito o hindi.

Kaya, lahat ng greetings na natanggap ni Mayor Lani ay via the social media. O, kung hindi man sa kanyang private number sa kanyang cellpone.

Kasama na, of course, ang pagbati sa kanya ng mga anak, manugang, apo, at maging ng asawang si Senator Bong Revilla.

Well, Mayor Lani, happy birthday.

Kanta ni Carol hindi pa nalilimutan

Remember Carol Banawa, in her younger years a Star Magic talent, Batch 4 (circa 1994) and considered one of the best singers in the country?

She had a number of hits, one of which, Iinga­tan Ka, is still a big favorite na awitin kahit ng mga millennials na singer. O, kahit ‘di professional singers.

Carol left the country when she married Ryan Crisostomo, an American citizen, in 2006.

While she continued her career as a singer sa U.S. Carol chose to study nursing, too.

She finished the course summa cum laude.

A professional nurse, Carol, 39, is now among coronavirus pandemic frontliners in the U.S.

Naging batchmate nga pala ni Carol si Jolina Magdangal, 41, now still active sa showbiz.

Jolina co-hosts the morning show, Magandang Buhay, with Melai Cantiveros at Karla Estrada.

Mga tinulungan ni Arci, apat na araw walang matinong kain

Arci Muñoz, on her own, ay nagpadala ng relief goods sa ilang taga-Majayjay, Laguna, when she learned from one of her kasambahay whose family lives there, na wala pang natatanggap ang mga nakatira sa lugar, mula pa nang magka-lockdown, dala nga ng COVID-19 virus sa kanilang barangay.

Isa raw sa mga kapatid niya, na kasama ng isang bayaw, na nagdala ng kanyang tulong, ang ‘di napigilang mapaluha, when a number of the residents told them na mga apat na araw na silang ‘di kumakain regularly.

Kaya, dalangin ni Arci na makatanggap na rin ng tulong na pagkain mula sa mga kinauukulan ang nakatira sa nasabing lugar.

vuukle comment

LANI MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with