Pagsali ni Marcelito sa AGT milyun-milyon na ang views sa YT
PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - January 18, 2020 - 12:00am

Patok ang duet yourself ng kantang The Prayer ni Marcelito Pomoy sa America’s Got Talent : The Champions na standing ovation mula sa apat na judges.

Ibinoto rin si Marcelito ng superfans ng programa kaya naka-advance siya sa semis ng singing competition sa Amerika.

Umabot na sa mahigit 20 million views sa YouTube ang performance na iyon ni Marcelito.

Proud ang mga Pinoy sa achievement at naaliw sila sa pictures na kasama ni Marcelito ang mga judge lalo na si Simon Cowell. Nakiiyak din ang  Pinoy fans nang purihin siya ng mga hurado ng AGT.

In all fairness kay Marcelito, mula nang manalo sa Pinoy Got Talent ay mas lalong nag-improve at tumaas pa ang kalidad ng unique na pagkanta nito.

Hindi lang ang mga Amerikano ang napa-wow sa talent ni Marcelito, kundi ang ibang lahi kaya marami ang nanghinayang na hindi nito nakuha ang golden buzzer. Pero pinatunayan naman nito na hindi niya kailangan ng golden buzzer para maka-advance sa semi finals. Sinuportahan siya ng fans.

MARCELITO POMOY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with