^

Pang Movies

Janine hinihintay magbago ang isip para sa Miss Universe PH!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Janine hinihintay magbago ang isip para sa Miss Universe PH!
Janine

Nagtatawa na lang si Janine Gutierrez sa sinasabing dapat maghanda na siya na sumali sa Miss Universe. Nagsimula lang naman ang ganyang usapan nang lumabas sa kanyang social media account ang isa niyang picture habang nasa beach at naka-suot ng bikini.

Talaga naman kasing nakapa-sexy ni Janine sa picture niyang iyon, at kakaiba roon sa mga nagsusuot ng bikini, lumalabas na napaka-wholesome pa rin ng kanyang dating. Hindi kagaya ng iba na basta may lumabas na ganoong picture, bastos na agad ang dating.

Marami nga ang nagsasabing siguro kung si Janine ang sasali at mapipiling kinatawan sa Miss Universe ay hindi na kailangan ang kung anu-ano pang pagsasanay. Mahusay naman kasi siyang magsalita, at maging sa paglalakad at pagdadamit ay okay siya. Kaya nga hindi lang ang fans niya, marami ring iba na nagsasabing dapat subukan din niyang maging beauty queen.

Pero mukhang hindi interesado si Janine. Una kasi happy naman siya sa kanyang career bilang isang aktres, at sinasabi nga niyang sa ngayon gusto na muna niyang mag-concentrate doon. Lalo na nga’t napansin siya ng mga kritiko. Hindi ba noong nakaraang Quezon City Film Festival siya ang nanalong best actress. Maganda na nga namang development iyon.

Isa pa, si Janine iyong sabihin man ninyong artista na nga, pero may pagka-conservative pa rin ang kanyang pananaw sa buhay. Parang mas gusto pa rin niya ang mas tahimik na buhay. Nakita ninyo, ni ang kanyang love affair wala kayong naririnig.

Kung papasukin nga naman niya ang pagiging beauty queen, aba lahat na lang ng bagay na may kinalaman sa kanya ay aalamin na ng publiko. Mas lalong mawawala ang privacy niya.

Pero ano ang malay natin, baka naman magpalit pa ang isip niya.

Mga may-ari ng Kapamilya Network hinihintay makiusap kay Pres. Digong

Noong isang araw, ang singer namang si Yeng Constantino ang nakikiusap kay Presidente Rodrigo Duterte na i-reconsider naman ang kanyang stand na huwag nang bigyan ng franchise ang ABS-CBN. Ganoon din ang nasabi sa amin ni Senador Lito Lapid na nagsabi namang “marami kasi ang mawawalan ng trabaho.”

Mapapansin mo ang malakas na lobby para ang pinakamalaking network sa Pilipinas ay makapagpatuloy, sa kabila nang paulit-ulit na sinasabi ng presidente na ayaw na niya sa network na iyan, hindi lamang dahil hindi ini-air ang kanyang poli­tical advertisement na binayaran na niya, kung hindi sinasabi pa niyang biased ang reporting. Bukod nga sa ang mga may-ari ay kabilang sa oligarkiya na hindi naman niya talaga pinapaboran.

Pero ang usapan nga, bakit napakaraming artista na nakikiusap sa presidente na huwag namang ipasara ang ABS-CBN, samantalang ang mga mismong may-ari noon ay hindi naglalabas ng kanilang katuwiran kung bakit hindi sila dapat ipasara. Ayaw bang magsalita ng owners kaya iba na lang ang pinagsasalita nila para sa kanilang kumpanya?

Big boss ng PSN at Pang-Masa malaki ang malasakit

Kahit na matindi ang traffic, at inabot kami ng dalawang oras bago nakarating sa Roxas Boulevard, siguro nagsisi kami kung hindi kami nakarating sa Christmas party ng Pilipino Star Ngayon (PSN) at Pang Masa.

Ang saya-saya ng mga tao, at mararamdaman mo ang concern ng mga may-ari sa pangunguna ni Sir Miguel Belmonte sa kanilang mga tauhan. Pati ang sarili nilang pera, ipina-raffle nila nang makitang marami pa ang hindi nananalo.

vuukle comment

JANINE GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with