^

Pang Movies

Rufa Mae lumayas ng Amerika para rumaket

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Rufa Mae lumayas ng Amerika para rumaket
Rufa Mae

Obvious na nag-enjoy si Rufa Mae Quinto sa guesting niya sa Bawal Judgmental segment ng Eat Bulaga. Panay ang promote niya ng nasabing guesting.

Sabi pa ni Rufa Mae, so refreshing nga raw to guest in Eat Bulaga.

Ang bongga lang ni Rufa Mae dahil ine-enjoy pa rin niya ang kanyang showbiz career hanggang ngayon.

Mas gusto pa rin niyang maging active. Actual­ly, noong una ay may nagtsika sa akin na magtatagal si Rufa Mae pagpunta niya sa San Francisco, California dahil aayusin niya ang green card niya dahil American citizen nga ang mister niyang si Trevor Magallanes, pero bumalik din kaagad siya sa bansa dahil marami siyang “raket” ngayong December.

Oo nga pala, bukod sa showbiz works, busy din si Rufa Mae sa online shop niya kung saan ay nagbebenta siya ng mga bonggang signature brands!

Xian tuluy-tuloy ang taping sa serye nila ni Kim

Ang pictorial ni Xian Lim kahapon para sa isang bank.

Sabi ng handler niyang si Mhit Pimentel, seven years na raw na endorser ng nasabing bank si Xian.

Ano ang latest kay Xian? “Tuloy-tuloy pa rin ang ta­ping nila ni Kim (Chiu) para sa Love Thy Woman,” sey ni Mhit.

Wala pang definite airing date ang Love Thy Woman, pero hindi na rin naman natitigil ang taping nila.

Bale magki-Christmas break sila pero magre-resume kaagad sila sa January.

Aktor naniningil ng P350k sa Christmas party

Inimbitahan ang isang aktor ng kanyang kaibigan na mag-attend sa kanilang Christmas party.

Sabi ni aktor sa kanyang handler, “Sabihin mo, P350,000 ang talent fee ko!”

Nahiya si handler dahil simpleng Christmas party lang ‘yon, pero natuloy pa rin naman doon si aktor, pero honorarium lang ang ibinigay sa kanya.

Kahit saang bagay, gusto ni aktor na palagi siyang may talent fee. Ayaw niya ng mga libre, kaya naman lalo siyang yumayaman!

‘Yun na!

Ogie nag-blowout sa parents

Nasa Balesin Island si Ogie Alcasid since yesterday at hanggang bukas sila roon ng anak na si Leila Alcasid at parents niyang sina Herminio at Herminia Alcasid.

Sabi ni Ogie, treat niya ‘yon sa parents niya kaya sila nagpunta roon.

Sayang at wala nga raw ang misis niyang si Regine Velasquez-Alcasid at anak nila na si Nate.

Sabi ni Ogie, miss daw kaagad niya ang kanyang mag-ina.

Wow!

Anyway, kailangan din ni Ogie na bumalik ng Maynila dahil live sa Sunday ang ASAP Natin ‘To at may iti-tape rin siya na isang segment para sa show.

vuukle comment

RUFA MAE QUINTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with