Daniel at Sarah inaayos na?!
Sarah
Daniel at Sarah inaayos na?!
VEROFIED - Veronica Samio (Pang-masa) - November 7, 2019 - 12:00am

Hindi na marahil magtatagal at matutuloy na ang matagal nang inaasam-asam ng fans ni Daniel Padilla na mai-tambal siya kay Sarah Geronimo. Kung dati ay imposible ito, ngayon ay mukhang puwede na itong mangyari anytime.

Sa madalas na pagdalaw diumano ng Pop Star Royalty sa Star Cinema, nakaramdam ang ilan na baka pinag-uusapan na nila ang gagawing project with Teen King.

Hindi naman ito imposibleng mangyari, pareho namang magaling umarte ang dalawa at parehong may malaking following. Walang problema sa takilya ang project na gagawin nila.

Katulad ng fans ni Kathryn Bernardo nang maitambal siya kay Alden Richards, very supportive rin ang fans ni Daniel kung ipapareha ito sa iba, lalo na kung kay Sarah.

Siguro sa ngayon ay wala pang magandang material ang naipe-present kaya hindi pa sila nagsasama.

Aga target si Coco!

Biruin mo, pati si Aga Muhlach ay nahawa na rin sa fever ng FPJ’s Ang Probinsyano. Gusto rin daw kasi nitong mapasama sa nasabing serye na umaabot na sa halos apat na taon ang airing.

Ilang serye na ang ipinanlaban ng kabilang istasyon sa seryeng ito ni Coco Martin, pero hindi pa rin ito mabuwag-buwag.

Samantala, kung sakaling maggi-guest nga si Aga sa Ang Probinsyano, ano naman kayang role ang ibibigay sa kanya? malamang hindi na puwedeng bida dahil na kay Coco na ang role na iyon.

Dalawa lang yan, puwedeng kontrabida o kaya naman ay panig sa side nina Lola Flora (Susan Roces). Ganunpaman, kung sakaling matutuloy ito, sana ay magandang role ang ibigay sa kanya.

Nakaka-flatter nga naman na sa dinami-rami ng palabas sa Kapamilya ay sa Ang Probinsyano pa napili ni Aga gustong mag-guest.

Maine ipagpo-produce ng movie si Arjo?!

Napaka-generous naman ni Maine Mendoza, at napatunayan natin na talagang inlove siya sa boyfriend na si Arjo Atayde.

Bali-balita kasing plano nitong mag-produce ng isang movie para sa kanilang dalawa.

Maganda itong souvenir sa kanilang relasyon in the future, at sana ay maging simula rin ng isang matagumpay na movie para sa kanilang dalawa.

Anak ni Imelda lalaban sa beauty contest

Patuloy pa rin ang pagdating ng suwerte sa Jukebox Queen na si Imelda Papin.

After her successful concert, abala ito sa pagla-line produce ng Malvar para kay Sen. Manny Pacquiao. Mga P100-M daw ang budget na inilaan para sa pelikula. At hindi lang iyan, ang nag-iisa niyang anak na si Maffi Papin ay napili para kumandidato sa Noble Queen of the Universe International representing The land of Bicol, Philippines.

Hindi na baguhan ang anak ng magaling na singer sa beauty contest. Nakasali na ito noon sa Binibining Pilipinas, pero nag-back out at the last moment for personal reasons.

DANIEL PADILLA SARAH GERONIMO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with